Wednesday , November 20 2024

Panaginip mo, Interpret ko: BF nakasakay sa barko

 

00 PanaginipGud eve po Señor H,

Nagdrim aq kase na nksakay kme sa barko, yung una d ko knows na andun pala bf ko, pro later on siya pala yung ktabi ko, bkit po ganoon? Ngktampuhan kami na medyo ngkkalabuan lately, my konek b ung drim q dun? Sana wag nio mention cp # q kol me Rochelle, tnx ng mrmi!!

To Rochelle,

Kapag nanaginip na nakasakay sa barko o nakakita ng barko, ito ay nagsasaad ng kakayahan na magpahayag ng damdamin. Alternatively, nagsasabi rin ito ng pagiging handa na harapin ang iyong subconscious and unknown aspects of yourself. Maaaring nagsasabi rin ang ganitong panaginip, not to rock the boat at to stay out of harm’s way.

Ang panaginip mo ukol sa iyong kasintahan ay nagre-represent ng estado ng inyong relasyon sa reyalidad at kung ano ang nararamdaman mo para sa kanya. Nagpapakita ito na hindi matiwasay ang inyong relasyon, may mga hindi pagkakaunawaan at posibleng malaking factor sa panaginip mo ang selos. Bunsod din ito ng agam-agam at anxiety ukol sa mga bagay na gusto mo sanang mangyari o magkaroon ng katuparan, subalit hindi nabibigyan ng pansin, lalo na ng BF mo. Kabilang na rin sa usaping ito ang mga inaakala mong maling prayoridad sa buhay ng BF mo. Nagpapakita rin ito na maaaring maging mabuway ang inyong relasyon kung hindi kayo magkakaroon ng maayos na komunikasyon at kung patuloy na mawawala ang tiwala sa isa’t isa.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *