KAABANG-ABANG kung alin sa pitong pelikulang tampok sa Main Competition ng World Premieres Film Festival ang magwawagi at makakakuha ng Grand Festival Prize at Grand Jury Prize. At siyempre, dapat abangan din kung sino-sino ang tatanghaling Best Performance by an Actor, Best Performance by an Actress, Best Artistic Contribution, Technical Grand Prize, at Best Ensemble Performance. Pero bago iyan, magkakaron muna ito ng premiere nights na magsisimula ngayong gabi, July 25 hanggang July 27 sa SM Mall of Asia (free to the public).
Bago ito, nagkaroon muna ng opening ceremonies ang pagbubukas ng World Premieres Film Festival – Philippines kagabi sa One Esplanade na ipinakita ang lahat ng kalahok na pelikula, mapa-local (Filipino New Cinema section) at Main Competition films (foreign filmmakers).
Ang regular screening schedule naman nito kasama ang iba pang sections ng festival ay mapapanood simula June 29 hanggang July 27 (regular cinema tickets).
Sa Main Competition, pitong naggagandahang pelikula mula sa iba’t ibang parte ng mundo ang kasali. Ang The World Premieres Film Festival ay naisakatuparan sa tulong ng Film Development Council of the Philippines sa pakikipagtulungan na rin ng SM Cinemas at Philippine Daily Inquirer.
Ipinagdiriwang ng WPFF ang power at magic ng mga pelikula sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga obra ng mga kilala at baguhang film director mula sa iba’t ibang lugar ng mundo. Kaya naman iniimbitahan ng WPFF ang lahat ng filmmakers, cinema goers, film enthusiasts na manood ng mga pilin-piling pelikula mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Ang pitong pelikula na kasama sa WPFF Main Competition ay kinabibilangan ng Sonata For Cello (Sonata Per A Violoncel) mula sa Spain na idinirehe ni Anna Bofarull. Ang Filosofi Kopi naman ay mula sa Indonesia na idinirehe ni Angga Sasongko. Ang The Territory (Russia) naman ay mula sa direksiyon ni Aleksandr Melnik at ang Son Of Mine (Netherlands) ay mula kay Remy van Heugten na isang social drama ukol sa oppressive relationship ng ama at anak.
Ang The End of Love (Taiwan) ni Li-Da Hsu ay ukol sa pagmamahal na may infinite manifestation, nagpapakita naman naman ng pagka-bayolente sa mga babae ang Three Lies (Spain) ni Ana Murugarren. Ang Crimean (Turkey) ni BurakCem Arliel ay adaptasyon sa Crimean Tartar novelist at poet na si Cengiz Dagcis unang nobela nitong Horrible Years.
Narito ang schedule ng mga pelikulang kalahok sa WPFF—Thursday, June 25, 5:30 p.m.—The End of Love(Taiwan); 7:30 p.m.—The Territory (Russia); Friday, June 26—2:00 p.m.—Son of Mine (Netherlands); 5:00 p.m.—Filosofi Kopi (Indonesia); 7:30 p.m.—Crimean (Turkey); at Saturday, June 27, 5:00 p.m.—Three Lies (Spain); 7:30 p.m.—Sonata for Cello (Spain).
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio