Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kangaroo kakasa kay Mayweather Jr.

 

PINANINIWALAANG ito na ang katapat ni pound-for-pound king at world flyweight champion Floyd Mayweather Jr.—isang 14-stone kangaroo na handang makipagsagupaan kahit kanino!

At may dahilan kung bakit ito ang paniniwala ng maraming mga taga-Australia ukol sa sino ang makatatalo sa undefeated American boxer.

Ang pambatong kangaroo ay may taas na 6 na talampakan, tumitimbang ng 14 stone, at handang-handang lumaban.

Pinangalanang Roger ang maskuladong marsupial at naninirahan sa isang sanctuary sa Alice Springs, Australia, at bilang health regimen, nagsasanay araw-araw sa pamamagitan ng pagdurog ng mga tin bucket para lang sa kasiyahan.

Ngunit mahilig din ipakita na siya ang ‘boss’ at kadalasa’y hinahabol ang kanyang tagapag-alaga sa bawat sandaling pumapasok sa kulungan ni Roger para maglinis o magdala ng pagkain.

Sa panayam ng Daily Mail Australia, ito ang ipinahayag ng trainer ni Roger na si Chris Brogla: ‘Ang kanyang daily exercise regimen ay sparring (kickboxing) at habulin ang kanyang human Mum—ako.

“Mahilig din siyang durugin ang mga metal na balde.”

“Huwag kayong magbibiro sa isang ‘Big Red’,” babala ni Brogla.

Ngunit ang pinakanakasisindak kay Roger ay dahil sa siyam-taon gulang pa lang siya, at dahil ang kangaroo life expectancy ay umaabot sa mahigit 22 taon, nangangahulugan na hindi pa magwawakas ang ‘reign of terror’ ni Roger sa nalalapit na panahon.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …