Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angas ni Lee sinandalan ng RoS

050215 paul lee

UMANGAT ang Rain or Shine sa sa third spot ng team standing pagkatapos ng kanilang 11-game eliminations round ng PBA Governors’ Cup dahil sa angas ng laro ni point guard Paul Lee.

Hindi nagpaawat sa pagpapakita ng tikas ang tinaguriang “Angas ng Tondo” na si Lee matapos mag average ng 16.0 points at 5.5 rebounds sa huling dalawang importanteng laro ng Elasto Painters.

Pinagpag muna ng E-Painters ang KIA Carnivals bago pinadapa ang Meralco Bolts para makasiguro ng upuan sa top 4 papasok ng playoffs.

Dahil sa kagitingan ni Lee iginawad sa kanya ang Accel-PBA Press Corps Player of the Week award (June 15-21).

Tumikada si Lee ng 20 puntos kahit nakaramdam ito ng pagkahilo matapos siyang masiko sa bibig sa fourth quarter kontra Carnival kung saan ay nanaig ang E-Painters, 94-90.

“He’s a tough guy,” patungkol ni RoS coach Yeng Guiao kay 6-foot shooting guard Lee. “He will keep attacking the basket even if he knows he’ll get fouled hard.”

Sa huling panalo ng Rain or Shine laban sa Bolts, 96-89 ay kumana si Lee ng Lee ng 12 points, se­ven rebounds.

Tinapos ng E-Painters ang single-­round eliminations sa 7-4 win-loss record, naniguro sa isa sa apat na twice-to-beat bonus sa quarters ng top 4 teams. (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …