NASAGIP ng isang retiradong guro at animal advocate, ang buhay ng 100 aso nitong Hunyo 20 makaraan magbayad ng $1,100 para mailigtas ang nasabing mga hayop sa annual dog meat festival sa southern Chinese city ng Yulin.
Si Yang Xiaoyun, 65, ay bumiyahe ng 1,500 miles mula sa kanilang bahay sa lungsod ng Tianjin upang makasagip ng mga aso, ayon sa ulat ng Agence France-Presse.
Si Yang ay sumasagip ng mga hayop mula pa noong 1995, nang iligtas niya ang isang abandonadong pusa mula sa ilog. Noong 1999, itinayo niya ang dog and cat sanctuary na kilala bilang “Common Home for All.
“ She has taken hundreds of animals and sold her home,” at umupa ng lugar para sa mga hayop, ayon sa 2013 video kaugnay sa kanyang mga nagawa.
Inihahanda niya ang pagkain ng mga hayop na tinawag niyang kanyang mga anak, ayon sa ulat ng India Times. Sa kasalukuyan ay mayroon siyang inaalagaang 1,500 aso at 200 pusa.
Ang ‘selfless act’ na ito ni Yang sa Yulin ay naganap habang nakatuon ang international observers at mga aktibista sa dog meat festival sa lungsod.
Ang pagkain ng karne ng aso ay may historical precedent sa China, ayon kay Peter Li, China policy specialist ng Humane Society International at associate professor sa University of Houston-Downtown, ngunit ang Yulin festival ay nagsimula lamang noong 2009.
Tinatayang 10,000 ang pinapatay kada taon para sa Yulin festival, kasabay ng summer solstice.
(THE HUFFINGTON POST)