Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

A Dyok a Day: Milyonaryo sa pustahan

 

00 JokeInimbitahan ng isang imbestigador sa opisina ng NBI si Juan na walang trabaho pero buhay-milyonaryo. Dumating si Juan kasama ang kanyang abogado sa NBI.

Imbestigador: Juan, ipinatawag ka namin dito dahil naghihinala kaming isa kang drug trafficker at lider ng isang sindikato dahil nakapagtatakang namumuhay kang mil-yonaryo gayong ikaw ay walang tinapos at walang trabaho. Gusto naming malaman kung paano ka kumikita ng milyon-milyong pera.

Juan: Sir, sa legal pong paraan ko kinikita ang aking mga pera. Sa pamamagitan po ng pustahan, ako po ay kumikita ng daan- daang libong piso. Kung gusto n’yo po patutunayan ko sa inyo. Dodoblehin ko po ang sampung libo ninyo kung makakagat ko ang aking kanang mata.

Imbestigador: Imposibleng makagat mo ang yong mata. Sige, call ako diyan.

Dinukot ni Juan ang kanyang pekeng mata sa kanan at kinagat. Nagulat naman ang imbestigador sa ginawa ni Juan.

Juan: Sir, dodoblehin ko po ang sing-kuwenta mil ninyo kung pupusta kayong kaya kong kagatin ang aking kaliwang mata.

Imbestigador: ‘Yan ang talagang imposible. Paano ka makakakita kung parehong peke ang dalawa mong mata. Call ako d’yan!

Kinuha ni Juan ang kanyang pustiso at kinagat ang kaliwang mata. Mangingiyak ngi-yak ang imbestigador sa ginawa ni Juan.

Juan: (Pumunta sa dulo ng dalawang metrong mesa ng imbestigador) Sir, dodoblehin ko po ang ang isandaang libo ninyo kung pupusta kayo na kaya kong umihi sa basurahan n’yo na nasa kabilang dulo ng mesang ito mula rito sa kinatatayuan ko. Patutunayan ko sa inyo na ‘di mababasa ng kahit isang patak ang mesa ninyo.

Imbestigador: Pinatatawa mo ako, Juan. Iyan ang talagang imposible. Sigurado akong di ka na mananalo sa pustang ‘yan. Kaya, call ako!

Umihi si Juan at dahil sa imposibleng abu-tin ng ihi niya ang basurahan sa kabilang dulo ng dalawang metrong mesa ay sinadya na lang nyang ihian ang mesa ng imbestigador. Napahalakhak ang imbestigador sa tuwa. Ngunit, tawa nang tawa rin si Juan.

Imbestigador: E bakit tawa ka pa nang tawa, e talo ka na nga ng sandaang libo?

Juan: Sir, natutuwa po ako dahil nanalo po ako ng limang daang libong piso sa pusta-han namin ng abogadong kasama ko. Nagpustahan po kami na ako ang mananalo kung kayo ay matutuwa kapag inihian ko ang mesa ninyo.

Abogado: Waaaahhhhh!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …