Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin Padilla, hanga kay Ping Lacson

062415 ping lacson robin padilla

00 Alam mo na NonieHINDI maikakaila ang pagkakapareho sa ilang bagay nina Robin Padilla at Ping Lacson. Lalo na noong pinili ni Binoe na ga-wing pelikula ang isang bahagi ng controversial na lifestory ng dating senador para sa combeck action movie niyang 10,000 Hours. Patunay ito ng pagkakahawig ng kanilang mga buhay.

“Hanga talaga ako sa kanya,” wika ni Robin. Pero hindi to the point na pilit ipinapareho ang sarili niya. “Consistent kasi sa pagtanggi si ex-Sen. Ping sa kanyang pork barrel. Kahanga-ha-nga ‘yon. Mahirap ‘yun at pinatunayan ng isang politiko na marami pang paraan upang makapag-hatid-serbisyo sa taong-bayan.”

Dugtong pa ng Idol ng Masa na marami rin daw silang pagkakaiba. Ang dating rehabilitation czar raw ay talagang cut out para sa politika. “Ako, na-realize ko naman na hindi lang isang elected position ang paraan para maglingkod sa mga naghihirap nating mga kababayan,” aniya pa.

Magugunitang kumandidato noong 1995 at hindi pinalad si Robin bilang bise gobernador ng Nueva Ecija. Mula noon, kahit maraming naghihikayat sa kanyang tumakbo ay tumanggi na si Binoe.

Isa pa, sa isip ng mga tao ay pareho silang nagkaroon ng problema sa batas, dahil parehong astig at palaban. Paglilinaw lang ng action star, “Ako nahatulan at napatunayang lumabag.”

Kung nakulong si Robin noon dahil sa illegal possession of firearms, ang dating senador naman daw, ‘di napatunayang nagkasala. Malaking difference nga naman ‘yon.

Ayon pa kay Binoe, hindi siya naniniwala sa mga bansag sa mga artista o politiko. Tagurian mang “bad boy” sa showbiz, sa politika o kahit saan pa, hindi raw batayan ‘yun nang tunay at totoong pagkatao ng sinuman.

Bukod kay Robin, ang yumaong pinsan ni-yang si Rudy Fernandez ay gumanap din bilang si ex-Sen Ping sa papel na dating PNP Chief sa pelikulang SuperCop noong year 2000. Kaya, parang mas fit yatang isiping may Padilla-Lacson mutual admiration club! Pareho silang mga pamilyang may tapang at kilalang walang inuurungan, kaya laging naiintriga!
ALAM MO NA – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …