AMINADO ang aktres na si Judy Ann Santos-Agoncillo na mas hirap siya sa pagbubuntis ngayon sa ikalawang anak nila ni Ryan Agoncillo kompara noong ipinagbubuntis si Lucho.
“I am on my 10th week of pregnancy. Pero mukha siyang five months!” unang nasambit ni Juday pagdating nito sa book launching ng kanyang Judy Ann’s Kitchen na ginanap sa Swatch +Swatch Center, Makati noong Biyernes ng hapon.
Ani Juday na 37 na ngayon, ”Siguro four and a half years ago ako nagbuntis, so parang naninibago ulit ‘yung katawan ko. Each pregnancy is totally different.
“So, ngayon, para sa akin, mas antukin lang ako. ‘Wag lang ako malingat, tulog ako. Kagaya ngayon, salita ako ng salita, hiningal na ako. Noon naman walang ganoon.
“Kagaya ngayon, ang tagal kong nakaupo, masakit na ‘yung balakang ko.”
After 2 years, nailabas na ang cooking book
MASAYA si Juday na finally ay natapos na ang cook book niya na dalawang taon daw in the making. Taglish daw ang pagkakasulat ng cookbook na humingi rin siya ng tulong mula sa ilang tao para mabuo ito at makatulong sa pag-eedit.
Aminado kasi si Juday na hindi naman siya ganoon kagaling sa Ingles at ayaw naman daw niyang malagay sa Instagram na mali-mali o may typo error ang libro.
“Growing up, I spent many hours being around caterers—the people who really made my childhood exciting. Sa kanila ako nag-umpisang magkahilig sa pagluluto. Maybe they are also the reason I learned how to cook for a big fiesta. Ask me how to cook for 50 people any time, and I’m to the challenge. But tell me to prepare a meal for four, and, naku ‘yan ang hindi madali para sa akin!,” ani Juday sa kanyang libro sa pahinang #Comfortfood ng Judy Ann’s Kitchen.
At ano ngavba ang pinakapaboritong comfort food ni Juday, siyempre pa, ang Triple Chocolate Champorado na tamang-tama ngayong tag-ulan with matching tuyo at sinasabing tila napaglilihian niya.
Sinabi ni Juday na ang kanyang inang si Mommy Carol at si Nanay Vi ang mga taong role model niya sa pagluluto. Magaling kasing magluto si Mommy Carol samantalang si Nanay Vi naman ay hinangaan niya sa galing nitong magluto kahit kulang ang pangsahog.
“Noon kasi nakapagluluto kami ng tinola kahit walang manok. Itinuro lang niya ‘yung mga ingredient na ilalagay at may tinola na kami,” pagbabahagi ni Juday.
Ang Judy Ann’s Kitchen ay publish at exclusively distributed ng Anvil Publishing, Inc., at sinaDolly Dy-Zulueta at Rica Peralejo-Bonifacio naman ang nag-edit ng libro, photograph byRaymund Isaac, food styling by Raymund Jorge Fernandez and book design by Jolo Liveloof Portfolio Studio and Photography, Inc., At siyempre mabibili ito sa lahat ng sangay ngNational Bookstore.
Nahahati sa limang bahagi ang libro, ito ay ang Comfort food, Friends, Kiddie Parties, Wifey Duties, at Health & Discoveries kaya tamang-tama ito sa mga inang mahihilig magluto dahil ‘ika nga ni Juday, nasusulat ang libro sa lengguwaheng maiintindihan ng sinumang magluluto.
“Ever since I can remember, I’ve always been into food. I guess my love affair for cooking began as early as weh I was a child actress. Who would hitch a ride with the caterers and hang out in their kitchen,” sambit pa ni Juday sa kanyang libro.
Mga hirap na dinaranas sa pagbubuntis
NAIKUWENTO pa ni Juday na tila bigla na lang lumaki ang tiyan niya noong ipinagbubuntis si Lucho ng walang kahirap-hirap na nararamdaman.
“As in, wala talaga. Puwede akong tumakbo, puwede akong humiga on the back. I can do anything. Puwede ako magpuyat, hindi ako nakakaramdam ng antok.”
Napag-alaman din naming kahit sa pagluluto ngayon ay nahirapan si Juday dahil nawala ang panlasa niya sa pagkain. ”I had a hard time cooking for the first few weeks na hindi pa namin alam na buntis ako. For some reason, parang lasang bakal lahat ng niluluto ko. Hindi ako makapagtimpla. Mahirap talaga.”
At nang tanungin ang aktres kung ano ang pinaglilihian niya ngayon?
“Basta gusto ko lang malutong. Pero hindi ko siya hinahanap.’Pag ‘di malutong, okay lang din. Wala namang issue.
Made in New Zealand
PAKIRAMDAM ni Juday sa New Zealand nabuo ang ikalawang baby nila ni Ryan. Ito ‘yung noong binisita nila ang kaibigang si Beth Tamayo.
“We’ve been trying to have a baby for the longest time, pero hindi na namin masyadong ine-effort. Parang sa amin, if it happens, it happens,” aniya na kahit naman daw kasi noong ipinagbuntis niya si Lucho ay nahirapan din siya.
Kung ating matatandaan, marami ng balitang lumabas na buntis muli si Juday pero natagalan ang kompirmasyon ng mag-asawa dahil gusto muna nilang ma-confirm kung totoo ngang buntis siya.
“Siyempre hindi muna kami nag-announce until nalaman talaga namin na may heartbeat siya and nakita na namin ‘yung hitsura niya. Parang same lang din with Lucho.”
Excited sina Yohan at Lucho
SAMANTALA, ikinatuwa nina Yohan, 11, at Lucho, 4 ang balitang magkakaroon na sila ng kapatid.
“Si Lucho saw my phone. Piniktyuran kasi namin ni Ryan ‘yung sonogram na ipinost ko sa IG, tapos nakita niya. Sabi niya sa akin, ‘What’s that?’ Sabi ko sa kanya, ‘Sweetheart, that’s our baby.’ ‘Where? Inside?’ Sabi ko, ‘Yeah, the baby’s inside mommy’s tummy.’ So, ‘yun na, nanlaki na ‘yung mata niya. ‘You have a baby inside?’ Na-amaze na siya,”kuwento pa ni Juday.
Sinabi pa ni Juday na tila naging malambing ang magkapatid bago pa man ang kompirmasyong buntis nga siya. ”Yakap ng yakap, kiss ng kiss. Hindi umaalis sa kili-kili ko.Hindi naman sila ganyan. ‘Yun pala nakakaramdam na sila. Siyempre, hindi namin alam noong time na ‘yun.”
Gustong maging anak
LALAKI man o babae, walang problema kina Juday at Ryan. Ang mahalaga raw ay healthy ang magiging anak nila.
“Lucho will always prefer a boy. Yohan will always prefer a girl. Ako naman, basta lumabas tao, kompleto, normal, healthy. ‘Yun naman ang sinasabi namin ni Ryan.
Maganda ang aura ngayon ni Juday kaya may mga humuhulang tila babae ang kanyang ipinagbubuntis. At kahit 18th month na ang nasa sinapupunan ng aktres, seksi pa rin ang hitsura niya.
Book 2 ng cooking book
CONGRATULATIONS to Juday dahil isa na siyang author ngayon ng isang cookbook na umaasang masusundan pa ng maraming klase ng lutuin.
“Sana nga masundan pa itong libro in God’s time,” anito na may nag-suggest na gumawa naman ng mga recipe na mura pero healthy.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio