Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SMB vs Alaska sa Panabo City

 

NAPAKASUWERTE naman ng mga taga-Panabo City sa Davao del Norte.

Biruin mong ang maghaharap sa kanilang bayan bukas ay ang San Miguel Beer at Alaska Milk!

Ito ang top two teams sa kasalukuyang PBA Governors Cup at parehong may twice-to-beat advantage na ang mga ito sa quarterfinal round.

Magandang resbak ito para sa dalawang koponang nagtagpo sa best-of-seven Finals ng Philippine Cup.

Umabot sa sukdulan ang labang iyon at nagtagumpay ang Beermen.

Pero matapos na magkampeon sa Philippine Cup ay lumaylay ang laro ng San Miguel Beer sa Commissioner’s Cup at hindi sila nakarating sa quarterfinals. Biruin mong natalo pa sila sa mga expansion franchises na KIA Carnival at Blackwater Elite.

Ganoon kasama ang kanilang naging performance.

Ito namang Alaska Milk ay umabot sa quarterfinals pero nakaharap ng Star Hotshots na namayani ng dalawang beses. Tsugi din ang Aces.

So, kapiraso lang talaga ang naging improvement ng Alaska Milk sa San Miguel Beer sa Commissioner’s Cup.

Pero dito sa Governors Cup ay tila nakabawi na sila nang tuluyan. At kung magtutuluy-tuloy ang ganda ng kanilang performance, aba’y puwedeng magkaroon ng Part II ang kanilang championship encounter.

Kaya nga napakasuwerte ng mga taga-Panabo City. Biruin mong parang preview of the Finals ang kanilang masasaksihan!

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …