Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Paco binugbog sa panaginip

 

00 PanaginipGood day po Sir,

Ako si Marel. Nanaginip ako na isang lalaki na dating singer si Paco Arespacochaga. Hinahanap niya ako parang pinagtataguan ako tapos nung nakita niya ako sinabihan niya ako na maganda pa rin ako parang tagal naming di nagkita tapos bigla nalang siya binugbog ng ilang kalalakihan at may lumitaw na patay na kabayo na katabi niya. Ano po ibig sabihin nun. Thanks at wag po lang post ang cel # ko.

To Marel,

Kapag nanaginip ng ukol sa mga artista o celebrity, ito ay nagre-represent ng paghahanap ng nais na kaligayahan at libangan o pleasure. Ang iyong paghanga sa ilang partikular na celebrity o mga artista ay maaaring magbunsod ng pagkakakuha ng ilan sa kanilang mga physical o personality traits. Dapat ding tignan o ikonsidera ang mga artistang ito, lalo na ang mga characteristics nila na maaaring ma-associate mo sa iyong sariling personalidad. Posible kasing ang mga characteristics na ito ay katulad ng mga bagay na dapat mong kilalanin o i-incorporate sa iyong sarili. Maaaring may kaugnayan din sa iyo ang mga papel o role na ginagampanan ng mga celebrity na nakita mo sa iyong panaginip. Kahit hindi mo kilala talaga ng personal ang mga sikat na artistang nakita sa panaginip mo, ang mga papel nilang ginagampanan na napapanood mo o ang pananaw at pagtingin mo sa kanilang pagkatao ay maaaring magbigay sa iyo ng clue o pang-unawa sa koneksiyon sa iyo ng bungang-tulog mo. Sa kabilang banda, maaaring bunga lang ng napanood mo sa TV o pelikula ng mga singer/artistang ito kaya mo sila napanaginipan. Kung ganito nga ang kaso, wala talagang significant na kahulugan sa iyo ang mga artistang ito at incidental lang ang pagkakapasok nila sa iyong bungang-tulog.

Ang panaginip ukol sa patay ay maaaring nagpapakita o nagbababala na ikaw ay nai-impluwensiyahan ng mga negatibong tao at nakikihalubilo sa maling grupo. Ito ay maaaring magbunga ng ilang material loss.

Ang kabayo naman sa panaginip ay sumasagisag sa strength, power, endurance, virility, at sexual prowess. Ito ay nagpapakita rin ng strong, physical energy. Kailangan mong rendahan ang mga wild forces. Maaari rin namang nagpapa-alala ito sa iyo na ikaw ay gumagawa ng kalokohan. Alternatively, posible rin na paalala ito na dapat bawasan ang pagiging arogante kung may ganoong tendency ka, at bumaba sa mataas na pagkakaluklok sa ibabaw ng kabayo.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …