ISINILANG ang isang tuta na may dalawang katawan at walong paa sa Polynesian kingdom ng Tonga, ulat ng Daily Mail.
Makikita sa mga larawang nakuha ng Mail ang maliit na itim at puting tuta na may dalawang set ng paa sa harapan, dalawa pang set sa likuran at dalawa ding buntot.
Sa kasawiang palad, ang tuta, na nag-iisa sa limang isinilang na may abnormalidad, ay namatay din makaraan ang ilang oras nang siya ay isilang.
Ayon kay Vukitangitau Maloni, mula sa Tonga, na-shock ang buong komunidad ng Vaini, lugar na sinilangan ng tuta, nang makitang may walo siyang paa.
“Hindi pa ako nakakakita nang tulad nito,” ani Maloni. “Nahihirapan siyang gumapang at nakalulungkot nga lang na namatay din makalipas ang ilang oras. Nagsilang ang aso ng aking kapitbahay ng limang tuta pero ito iyong pinaka-cute sa lahat.”
Pambihira para sa mga ha-yop na magsilang ng may abnormalidad tulad nito at mabuhay.
“Kung wala rin mahusay na veterinary care, mamamatay din ang tuta,” wika naman ng ve-terinary nurse na si Erica Fairleigh.
“Wala pa akong narinig na isinilang nang ganito pero maaaring nagresulta ito sa maraming factor tulad ng poor genetics at masamang nutrisyon nang nagbubuntis ang ina,” dagdag ni Fairleigh.
Ayon naman sa Mail, ang authenticity ng mga larawan ay kinompirma ng isang animal scientist.
Kinalap ni Tracy Cabrera