Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Blackwater vs. NLEX

020415 PBA D League

NANGANGANIB na mabigo ang ambisyon ng Talk N Text para sa ikalawang sunod na kampeonato at kailangang maipanalo nila ang kanilang huling laro kontra KIA Carnival upang magkaroon ng tsansang pumasok sa quarterfinals ng PBA Governors Cup.

Magtutuos ang Tropang Texters at Carnival mamayang 4;15 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Magkikita naman sa 7 pm main game ang NLEX at Blackwater na kapwa nabigo na makausad sa quarterfinals.

Nalasap ng Tropang Texters ang ikaanim na pagkatalo sa sampung laro nang sila ay durugin ng defending champion Star Hotshots, 105-93 noong Martes.Kung matatalo sila mamaya ay malamang na malaglag na sila.

Ang KIA ay galing sa back-to-back na pagkatalo sa Globalport (102-94) at Rain Or Shine (9490) at katabla ng Star sa ikapitong puwesto sa record na 4-5. Ang huling laro ng Carnival ay laban sa Meralco sa Hunyo 24 kung kailan magtatapos ang elims.

Ang Talk N Text ay pinamumunuan ng mga imports na sina Steffphon Pettigrew at Sam Daghles na sinusuportahan nina Jayson Castro, Ranidel de Ocampo, Kelly Williams at Larry Fonacier.

Ang KIA ay binubuhat nina Hamady N’Diaye, Jet Chang, LA Revilla, Hyram Bagatsing, Leo Avenido, Mark Yee at Rich Alvarez.

Ang NLEX ay tinambakan ng Globalport, 108-80 sa kanilang huling laro at bumagsak sa 2-7. Kailangan na manalo ang Road Warriors sa kanilang huling dalawang laro kung hindi ay di sila aabot sa susuod na round. Ang kanilang huling kalaban ay ang Barangay Ginebra sa Hunyo 24.

Ang Blackwater ay nangungulelat at may iisang panalo sa siyam na laro. Makakatunggali pa nila ang Star Hotshots sa Martes. Ito ang ikatlong sunod na pagkakataong hindi nakarating sa quarterfials ang Elite.

Samantala, magtutuos ang league-leaders San Miguel Beer at Alaska Milk bukas ng 5 pm sa Panabo City Multi-purpose and Cultural Center sa Davao de Norte.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …