Wednesday , November 20 2024

Warriors kampeon sa NBA (Pagkatapos ng 40 taon)

 

052915 golden state warriors

ITINANGHAL bilang kampeon ng National Basketball Association ang Golden State Warriors pagkatapos na pulbusin nila ang Cleveland Cavaliers, 105-97, sa Game 6 ng best-of-seven finals kahapon sa Quicken Loans Arena sa Ohio.

Gumamit ang tropa ni coach Steve Kerr ng kanilang mas mahusay na teamwork upang sayangin ang pagdomina ni LeBron James at tapusin ang Cavaliers sa kartang 4-2.

Sa pangunguna nina Stephen Curry at Andre Iguodala na gumawa ng tig-25 na puntos, maagang nakalayo ang Warriors, 28-15, sa pagtatapos ng unang quarter.

Nakalapit ang Cavaliers, 45-43, sa halftime at nakalamang pa sila sa unang bahagi ng ikatlong quarter, 47-45, dahil sa tig-isang layup mula kina Timofey Mozgov at Tristan Thompson.

Sumagot ang Warriors ng walong sunod na puntos, kabilang ang tig-isang tres mula kina Harrison Barnes at Draymond Green upang agawin nila ang kalamangan, 53-47.

Napalayo uli ang Golden State sa 73-58 sa pagtatapos ng ikatlong quarter dahil sa dalawang sunod na dakdak mula kay Festus Ezeli.

Napanatili ng Warriors ang kanilang malaking kalamangan sa huling quarter dahil sa mga krusyal na tres mula kina Curry, Iguodala at Klay Thompson.

Huling napalapit ang Cavaliers sa 101-97 dahil sa tres ni JR Smith .

Ang Warriors ay huling nagkampeon sa NBA noon pang 1975 nang winalis nila ang Washington Wizards sa tulong ni Rick Barry.

Napili si Iguodala bilang Finals MVP at natuwa siya sa parangal pagkatapos na ma-trade siya ng kulelat na Philadelphia 76ers.

Nagdagdag si Green ng triple double na 16 puntos, 11 rebounds at 10 assists.

Nanguna si James sa kanyang 32 puntos, 18 rebounds at siyam na assists ngunit hindi ito sapat para sa Cavaliers na nanatiling wala pang korona sa NBA mula pa noong 1970.

Ito ang ika-apat na pagkatalo ni James sa NBA Finals pagkatapos na matalo siya noong isang taon bilang manlalaro ng Miami Heat kontra San Antonio Spurs na naging dahilan kung bakit lumipat siya sa Cavaliers.

Humina ang Cavaliers dahil sa pilay ng ilang mga kakampi ni James tulad nina Kevin Love, Kyrie Irving at Anderson Varejao sa kabuuan ng playoffs.

Si Kerr ay naging unang rookie head coach na nagkampeon sa NBA mula pa noong 1982 nang si Pat Riley ang nagdala sa Los Angeles Lakers sa titulo pagkatapos na palitan niya si Paul Westhead.

Si Kerr ay dating manlalaro ng Chicago Bulls bago siya nakuha ng Warriors bilang kapalit ni Mark Jackson bilang coach.

Sa ilalim ni Kerr, nakuha ng Golden State ang pinakamaraming panalo sa NBA sa regular season sa kartang 67-15 at nilampaso nila ang New Orleans Pelicans, Memphis Grizzlies at Houston Rockets.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *