Kuya lage po kase akong nananaginip ng mga birhen at minsan pa nga ay mga anghel na bumaba ng langit. Ano po kaya ibig ng panaginip ko na ‘yun? Sana po ma-interpret mo ito kuya, salamat po.
I’m Connif fr. Antipolo City.
(09305711762)
To Connif,
Kapag sa panaginip ay nakikita mo si Virgin Mary , ito ay may kaugnayan sa selfless love, compassion, spiritual harmony, at ideal motherhood. Alternatively, si Virgin Mary ay maaari ring nagre-represent ng repressed fear of sexuality o ng mga kinakaharap na hirap at pagsubok sa mga relasyon.
Ang anghel sa panaginip ay sumisimbolo ng goodness, purity, protection, comfort, at consolation. Dapat mong isipin o alalahanin ang kahalagahan ng pinapaabot na mensahe ng anghel, kung mayroon man. Maaari kasing isa itong guide upang mas magkaroon ka ng greater fulfillment at happiness sa buhay. Alternatively, ito ay maaari rin namang nagsasaad ng unusual disturbance sa iyong kaluluwa. Ang anghel kasi ay maaaring nagpapakita sa panaginip dahil sa iyong wicked at mean-hearted activities. Kung lumuhod ka sa sa iyong bungang-tulog nang nakita ang anghel, ito ay nagre-represent ng iyong pagiging mapagkumbaba. Subalit sa kabilang banda, ito ay nagsasabi rin na ikaw ay bukas upang maimpluwensiyahan ng iba.
Señor H.