NAGSANIB puwersa sina Stephen Curry at Andre Iguodala para tulungan ang Golden State Warriors na masungkit ang titulo sa katatapos na 2014-15 National Basketball Association, (NBA).
Kumana sina MVP Curry at veteran Iguodala ng tig 25 puntos para talunin ng Warriors ang Cleveland Cavaliers 105-97 at malasap ang kauna-unahang titulo sa loob ng 40 na taon.
Nagtala naman si Warriors center Draymond Green ng triple-double (16 puntos, 11 rebs. 10 assts) para tapusin ng Golden State sa 4-2 ang kanilang best-of-seven series.
“The sacrifice every guy made from Andre and David (Lee) stepping away from the starting lineup, we just played,” ani Warriors coach Steve Kerr. “And they were all in it just to win. That’s all that mattered. This is an amazing group of guys.”
Si basketball superstar LeBron James na may averaged 36.6 points sa unang limang Finals game ay kumana ng 32 points, 18 rebounds at 9 assists para sa Cavaliers.
Bumakas si Timofey Mozgov ng 17 points at 12 rebounds habang si Tristan Thompson na may double-double ay tumapos ng 15 markers at 13 boards.
Pumutok si J.R. Smith sa bandang huli pero kinapos na rin para maisalba ang Cavs na nagnanais na makahirit ng do-or-die Game 7.
May tinikadang 19 puntos at limang rebounds si Smith.
Samantala, ramdam ng Cavaliers ang pagkawala ng dalawa nilang star players na sina Kevin Love at Kyrie Irving na nagkaroon ng major injuries kaya kinapos sa endgame si LeBron sa 4th quarter.
(ARABELA PRINCESS DAWA)