Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

James at Nadine, maglalaban sa PhilPop 2015

 

052015 jadine

00 SHOWBIZ ms mMULA sa pagiging magka-loveteam, pinaghiwalay ng PhilPop 2015, Philippine’s Popular Music Festival at isang songwriting contest na inorganisa ng Philpop Foundation, na ang executive director ay si Maestro Ryan Cayabyab, sina James Reid at Nadine Lustre. Kaya magkalaban ang dalawa sa darating na Philpop 2015 competition bukod pa sa makikipagsabayan din sila sa mga magagaling at beteranong singers.

Exciting ang PhilPop 2015 dahil bukod kina James at Nadine, kasama rin sa mga interpreter ang The Company at Side A. Makakasama ni James bilang interpreter ng awiting Musikaw ni Melchor ‘MC’ Magno Jr., ang batang rapper na si Pio samantalang si Kean Cipriano naman ang makakaduet ni Nadine para sa awitin ni Mark Villar, ang Sa Ibang Mundo. For The Rest of My Life na isinulat ni Ned Esguerra naman ang aawitin ng Side A at ang The Company naman na nagdiriwang din ng kanilang ika-30 anibersaryo, ang Tanging Pag-Asa Ko ni Paul Armesin.

First time sasabak kapwa nina James at Nadine sa isang music competition kaya naman kapwa sila nagpahayag ng katuwaan sa pagkakuha sa kanila.

“I’m so grateful to Philpop for choosing me as one of the interpreters in this year’s competition,” anang binata. “I think I’m perfect for the song because it got the RnB-dance feel, young. I think the song suits me very well. I had fun singing it.”

061815 philpop

“I think it’s nice for a change that we’re competing here because usually we’re together,” sambit naman ni Nadine nang tanungin kung ano ang masasabi nito na pinaglaban sila rito.

Ang iba pang makakalaban nina James at Nadine bukod sa Side A at The Company ay si Jinkee Vidal, dating Freestyle vocalist na mag-i-interpret naman sa awitin ni Soc Villanueva na Kilig; Jon Santos para sa Apat Na Buwang Pasko nina Gino Cruz at Jeff Arcilla; Anja Aguilar, dating Little Big Star champion at ASAP mainstay sa awiting I Owe You My Heart ni Melvin Morallos.

Kasama rin sa mga interpreter ang iba pang Viva artists tulad nina Yassi Pressman na ka-duet si MTV Pinoy VJs Josh Padilla para sa Edge of the World ni Johannes Garcia. Limang songwriter naman ang nagkaroon ng pagkakataong sila mismo ang makapag-interpret ng kanilang kanta tulad nina Lara Migue at Davey Langit para sa Nasaan at Paratingin Mo Na Siya.

Ang first time PhilPop finalist na si Ramiru Mataro naman ay nakipag-team kay social media sensation Donnalyn Bartolome para sa Walang Hanggan. At siyempre, sumali pa rin ang formidable tandem noong 2013 PhilPop grandwinner na sina Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana na nakipag-team din kay X-Factor Philippines finalist na si Jeric Medina para sa Triangulo.

Bukod sa nasa album na ang mga awiting magtutunggali sa PhilPop 2015, mayroon din silang exposure sa TV at online.

Makatatanggap ng P1-M ang tatanggaping grand winner ngayong taon; P500,000 para sa first runner-up; P250,000 sa second runner-up at lahat ng finalists ay makatatanggap ng P50,000.

Ang PhilPop ay naisakatuparan sa tulong na rin ng maynilad at Meraldo, at ang co-presentor nila ay ang Smart, Spinnr at PLDT Home Telpad. Suportado rin ito ng NLEX, Metro Pacific Investments, hilex, Sun Cellular, TV5, Vivacom, InterAksyon, MTVPinoy, Pep.ph, Pinas FM, Philippine Star, Radio Republic, Radyo 5, at Viva records.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …