NADISKUBRE ng mga siyentista sa Australia ang bagong species na parang daga na napag-alamang napakahilig sa sex at handang mamatay dahil dito—ngunit maaaring maubos na rin ito at hindi dahil sa sobrang libido o kalibugan.
Ang antechinus ay isang maliit na mukhang dagang marsupial na matatagpuan lamang sa Australia at New Guinea.
Nadiskubre ang bagong Tasman Peninsula Dusky Antechinus kasama ang dalawa pang ibang species ng antechinus na may panganib mula sa climate change at pagkawala ng habitat nito kaya isinusulong ng mga nakadiskubreng siyentista na mapalagay sa listahan ng mga federal threatened species ng Australia.
Ang antechinus ay mas kilala sa sobrang pagkahilig—na halos suici-dal—sa sex ng male members nito. Sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo lang, naki-kipagtalik ang mga lalaking antechinus sa pinakamaraming bilang ng female, kung minsan nagtatalik nang walang tigil nang 14 na oras.
“Nagkakaroon sila ng internal bleeding, nagkakaroon din sila ng ulcer, nalalagas ang kanilang balahibo, at kung minsan ay halos bulag na sila pero patuloy pa rin silang nakikipag-sex,” paglalarawan ni mammalogist Dr. Andrew Baker sa panayam ng Australian Broadcasting Company.
Ipinaliwanag din ni Baker ang dahilan ng madalas na pagkamatay nito sa sex: “Sa kalaunan, nagti-trigger ang testosterone ng malfunction sa stress hormone shut-off switch, na nagreresulta sa pagtaas ng stress hormone na nagiging dahilan para mag-collapse ang immune system ng mga lalaking antechinus at namamatay na lang sila bago magsilang ang mga babaeng antechinus ng iisang supling.”
Kinalap ni Tracy Cabrera