ANG mga police dog sa China na naghihintay ng pagkain ay higit na matiyagang pumila kaysa mga tao.
Ang police dogs ay nagpakita nang pagiging disiplinado sa pamamagitan ng pagpila para sa pagkain habang kagat ang kanilang bowls.
Ang trained dogs ay nakagagawa ng kahanga-hangang bagay katulad ng paghahanap ng mga bomba sa pamamagitan ng kanilang pang-amoy, o natututong patayin ang ilaw, kaya hindi mahirap paniwalaan na ang mga aso sa China ay ganito.
Noong 1940s nakunan ng larawan ang Finnish border patrol service dogs na nakapila habang naghihintay ng pagkain. (http://www.boredpanda.com)