Monday , December 23 2024

Pinoy Pride Albert Pagara undefeated pa rin!

 

061615 Pinoy Pride Albert Pagara

HINDI lang si Floyd Mayweather Jr.,ang may perfect unbeaten record—maging ang Top Pinoy prospect na si ‘Prince’ Albert Pagara ay wala pa rin talo matapos pabagsakin isang minuto pa lang sa opening round ang kalabang Mehikano at bugbugin pa sa sumunod na tatlong round sa undercard ng Pinoy Pride sa Smart Araneta Coliseum.

Sa pagtigil kay Ro-dolfo Hernandez, napanatili ni Pagara ang kanyang malinis na record na 23-0, kabilang ang 16 na knockout.

Isang minuto pa lang sa first round ay napuruhan agad ng Pinoy fighter si Hernandez sa isang right uppercut na sinundan pa ng overhand right sa ulo ng Mehikano, at parang na-ging gomang nanlambot ang mga binti ng kanyang kalaban para maranasang humiga sa lona.

Matapos nito’y binugbog pa ni Pagara si Hernandez ng matitinding kanan at kaliwa patungo sa ikaapat na round, pero pina-yuhan ng ring physician na huwag nang ipagpatuloy sa ikalima dahil groge na ang Mehikano at may injury na sa kanang kamay.

Tubong Maasin City, Southern Leyte, si Pagara wala pang talo sa International Boxing Federation (IBF) international super bantamweight class. Nag-debut bilang propessional boxer noong Agosto 18, 2011, sa edad 17-anyos, sa pagpanalo kontra kay Sandy Cajil via TKO sa second round sa Cebu IT Park, Lahug, Cebu City, Cebu.

Noong Oktubre 8, 2011, tinalo ni Pagara si Shabani Madilu ng Tanzania sa una-nimous decision sa Pinoy Pride IX showcase na gina-nap sa Bacolod City.

Nasundan pa ng sunod-sunod na panalo, kabilang ang laban kina Phupha Por Nobnom ng Thailand noong Marso 24, 2012, da-ting WBO Asia-Pacific champion Isack Junior ng Indonesia sa Solaire Resort & Casino, Parañaque City noong Marso 1, 2014, Skak Max ng Indonesia rin sa Maasin City noong Abril 11, 2014, at Hugo Partida ng Mexico para sa IBF International Super Bantamweight title sa Cebu City Waterfront Hotel & Casino sa Cebu City noong Hunyo 21, 2014.

ni Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *