Monday , January 6 2025

Panaginip mo, Interpret ko: Pusa at pinto, tao walang mukha

00 PanaginipGud dy s u Señor H,

Paki ntrprt ng drims q na may nkita po ako pusang itim tapos ay gusto q sana kunin ‘yun pero pumasok s pinto kase at nawala na, nagtanong aq sa isang tao nagtaka aq, wala siyang mukha. Hntay ko ito sir s hataw, — kol me Joanne and sana wag u papablish cp no. q po

To Joanne,

Ang panaginip hinggil sa pusa ay sagisag ng independent spirit, feminine sexuality, creativity, at power. Subalit ito ay nagre-represent din naman ng misfortune at bad luck. Ang simbolo ng ganitong bungang-tulog ay may kakaibang kahalagahan depende kung ikaw ay isang cat lover o hindi. Ang pusa ay maaaring nagpapahayag din na mayroong deceitful o treacherous na balak sa iyo ang iba. Ito ay maaaring nagsasaad din na ikaw ay nagkakaroon ng suliranin sa iyong feminine aspect. Ang itim na pusa ay nagpapakita na ikaw ay nakararanas ng ilang takot at pangamba sa paggamit mo ng iyong psychic abilities at sa paniniwala sa iyong intuition. Posibleng ikaw ay magkamali rin na i-associate ang itim na pusa sa evil, destruction, at bad luck. Sa particular na kaso ng nakita mo sa iyong panaginip, makabubuting kilalanin kung ano ang sinasabi ng iyong intuition. Ito ay mahirap mo nang balewalain subalit hindi ka dapat matakot na harapin ito. Higit sa epekto ng paniniwala ukol sa mga malas na bagay o simbolo, mas manalig sa kabutihan sa ating kapaligiran at sa kapangyarihan ng Diyos.

Ang pinto sa panaginip ay may kaugnayan sa mga bagong oportunidad na maaaring dumating sa iyo. Ito ay posibleng nagsasabi, lalo na kung papasok ka sa pinto, na ikaw ay nasa bagong stage ng iyong buhay at umaangat ka sa isang level ng consciousness. Ang bukas na pinto ay nagsasaad din ng receptiveness at willingness upang tanggapin ang mga bagong idea. Kung may nakitang liwanag sa likod ng pinto, nagsasabi ito ng pagtungo sa mas maliwanag na kamalayan at ispiritwalidad. Kung sarado naman ang pinto, may kaugnayan ito sa mga pagkakataon na na-deny sa iyo o na-miss mo dahil mayroong bagay o tao na hinaharang ang iyong pag-unlad.

Kapag nanaginip ng taong walang mukha, nagsasaad ito na ikaw ay patuloy na naghahanap ng sarili mong identity at hinahanap mo kung sino ka. Maaaring nagsasabi rin ito na hindi ka sigurado kung paano babasahin ang ibang tao pati na rin ang kanilang emosyon. Nagpapakita rin ito ng iyong kagustuhan at kahandaang makilala at maintindihan ang mga taong ito sa mas malalim na antas.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *