Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kick off ng PLDT Home Regine Series Mall Tour, dinagsa

 

061615 regine PLDT

00 SHOWBIZ ms mNAKAKA-MISS din pala ang makinig at mapanood sa isang concert ang nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. Ito ang pare-pareho naming nasambit matapos ang first leg ng PLDT Home’s 5 mall concert series na tinaguriang Regine Series Mall Tour noong Linggo sa Robinsons Magnolia.

Maraming salamat sa PLDT dahil gumawa sila ng ganitong event/show para muling mapanood at mapakinggan ang magandang tinig ni Regine. Ito rin naman ang nasambit ni Regine, ang pasasalamat sa PLDT dahil aminado siyang na-miss din niya ang pagkanta. Nagpasalamat din siya Vice President ng PLDT Home na si Mr. Gary Dujali at iba pang PLDT executives na naroon.

Kuwento ni Regine, medyo naging madalang ang paggawa niya ng solo concert simula nang mabuntis siya at nanganak (Kung mayroon man ay may mga kasama siya sa concert). At pagkaraan nga’y nagkaroon ng kaunting problema sa kanyang boses na nauwi pa nga sa hindi niya pagkanta noon sa isang concert.

Ani Regine, sinabihan siya ng kanyang voice coach na magpraktis nang magpraktis ng pagkanta para muling masanay ang kanyang muscle. “Siyempre noong nabuntis ako at manganak, marami ang nagbago. Kaya kailangan kong kumanta ng kumanta. It’s like muscle memory.” At sa totoo lang parang lalong gumanda ang boses ngayon ni Regine bagamat may sipon at medyo may kaunti siyang karamdaman ng oras na iyon.

Natatawa pa nga niyang ikinuwento na nasabihan siya ng kanyang anak na si Nate ng, “Not too loud mom,” kapag nagpa-praktis siya ng pagkanta. “Itong anak ko parang gusto kong sabihin na ‘uy ito ipinakakain kao sa iyo hahaha,” tawang-tawang kuwento pa ng singer. Na kung minsan daw ay may kasunod pang, “Mom you’re too noisy,” kaya natatawa na lamang daw siya.

Actually, kasama pala ni Regine nang hapong iyon si Nate hindi na nga lang nahintay ang pagsisimula ng programa dahil as early as 1:30 ay naroon na pala sila sa Robinsons Magnolia. Nainip na raw ang bagets kaya nagpa-uwi na. “Parang wala siyang pakialam kung kakanta ako hahaha,” pagbabahagi pa ni Regine.

Tila isang buong concert na ginawa sa Music Museum ang ginawa ni Regine at ng PLDT Home noong Linggo dahil mayroong live band kasama ang kanyang musical director na si Raul Mitra gayundin ang mga impersonator niyang sina Regina, Ate Regs, at Anton Diva. Naroon din si Michael Pangilinan para naman magbigay din at magpakilig ng mga awitin sa mga kababaihang nanonood.

Hindi binigo ni Regine ang mga nagtungo sa Robinsons Magnolia lalo na iyong mga nag-upgrade ng PLDT line nila sa limited edition landline unit na classic, cordless, corded-r at corded-w o call plans, one Philippines (unlimited PLDT to PLDT NDD cals at P10/call sa Smart at Talk ‘N Text for just P75/month) at one world IDD call plan (15 free IDD minutes/month sa piling int’l. Destination, at P2.00 per minute excess sa halagang P50/month) sa mga inihandog niyang awitin na kung hindi kami nagkakamali ay umabot yata sa 12 kanta.

Ang Regine Series Mall Tour ay nagtatampok sa series ng promotional mall concert na libre sa publiko.

Sa mga hindi nakapanood sa Robinsons Magnolia, maaari n’yo pang makita at mapanood si Regine sa kanyang series of mall tour sa Robinsons Place Manila (June 20); Market! Market! (July 4); Glorietta (July 11), at Trinoma (July 18). Sa mga PLDt subscriber na nag-sign up para sa Regine Series landline unit, mayroong special o VIP seat na nakalaan sa inyo.

Sinuportahan din si Regine ng mga big boss ng PLDT tulad nina

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …