ANO man ang ating isabit sa dingding, mula sa mga larawan hanggang sa salamin o artwork, ito ay nagpapahayag kung tayo ay nasaan ngayon at kung saan tayo naka-focus sa kasalukuyan. Kung naghahanap ka ng true love, ikonsidera ang mensahe ng home’s décor na maaaring ipahayag sa mga bisita (kabilang ang romantic prospects) at sa universe kaugnay sa iyong intensyong makatagpo ng kasintahan.
Narito ang madali ngunit hindi magastos na Feng Shui steps upang mailagay ang iyong focus at intensyon sa paghahanap ng true love, at maipahayag ang intensyon sa layout at dekorasyon ng bahay.
*Ang artwork ba sa inyong bahay ay kumakatawan sa isang nag-iisang tao? Kung ikaw ay naghahanap ng true love, tiyaking ang mga larawan ay kumakatawan sa mga taong magkapareha o pamilya. Iwasan ang single people.
*Pumili ng artwork na magpapasigla sa iyo. Kung sa iyong pagmasid sa mga larawan ng magkapareha ay nalulungkot ka at nagpapaala lamang sa iyo ng iyong kakulangan, magsabit na lamang ng landscape photos o still-lifes na iyong magugustuhan. Panatilihin ang balanse sa iyong mapipiling artworks; mag-ingat sa pagpili ng solitary objects na nagpapakita ng “pag-iisa.” Mag-ingat din sa landscape photos na may mga bundok. Ang imaheng ito ay maaaring magdulot ng sense of feeling blocked, habang ang paintings ng karagatan o iba pang kapaligiran ay nagpapasigla at maaaring magbigay ng inspirasyon.
*Iwasan ang pagdi-display ng larawan o mementos ng dating kasintahan. Ito ay obvious, ngunit kung ang larawan ay matagal na sa ating bahay, madalas na hindi natin ito napapansin. Ito ay nagiging bahagi na ng background ng ating buhay. Alisin ang mga larawang ito (bagama’t nagkahiwalay kayo nang maayos). Hindi mo kailangan ang enerhiya ng nakaraan na maaaring magdulot sa iyo ng bigat sa paghahanap ng true love.
ni Lady Choi