TATLONG suspek ang inaresto ng Spanish police kaugnay ng pagkakakompiska ng 200 kilo (441 libra) ng cocaine na itinago sa loob ng kargamento ng pinya na dumating sa southwestern port ng Algeciras at nagmula Central America.
Ikinubli ang droga sa loob ng mga inukit na pinya na inilagay sa 11 container. Binalutan ang cocaine ng protective coating ng dilaw na wax na nakatulong para hindi ito makita agad kung hindi masu-sing susuriin.
Dalawa sa nadakip na suspek ay mga Kastilang tubong-Colombia na may-ari ng ilang kom-panyang nag-aangkat ng prutas sa Madrid at Barcelona.
Isa pang container na naglalaman ng droga ang nasabat naman sa pantalan ng Antwerp na Belgium, habang nakatala ang huling destinasyon nito sa Netherlands.
Batay sa datos ng International Drug Watch (IDW), patuloy na guma-gamit ang mga international drug syndicate ng iba’t ibang pama-maraan para magpuslit ng droga, mula sa pagsilid nito sa mga kagamitan hanggang sa paggamit ng tinaguriang mga ‘drug mule.’ Kamakailan sa Japan, matagal na panahon muna at malawakang surveillance ang kinailangan gawin ng mga awtoridad bago nabuking ang operasyon ng isang sindikatong nagpupuslit ng heroin sa pamamagitan ng paglusaw nito para maging likido at dito ibinababad ang mga puting damit saka pinatutuyo para magmukhang walang bahid ng anumang dami ng droga.
“Magagaling silang umisip dahil malaking pera ang involved sa pagpupuslit ng illegal drugs kaya gumagawa sila ng iba’t ibang metodiya para hindi namin sila mahuli,” pahayag ng isang opisyal IDW.
Kinalap ni Tracy Cabrera