(NEWSER) – Magkakaroon ng sex party sa Toronto ngayong summer – at ito ay magiging wheelchair-accessible.
Sinabi ng organizer na si Stella Palikarova, may spinal muscular atrophy at nagsusulong ng disability awareness, nagsasawa na siya sa iniisip ng mga tao na ang mga may kapansanan ay ayaw na ng sex o intimacy, ayon sa ulat ng Toronto Sun.
“The naysayers are just subconsciously hating the fact that people in wheelchairs are having great sex—better sex than a lot of people are having,” aniya. Tinaguriang “Deliciously Disabled,” ang event ay bukas sa lahat ng mga tao, may kapansanan man o wala, sa Agosto 14 sa Buddies in Bad Times Theatre, isang LGBTQ cabaret at stage space.
Ang mga bisita (kasya ang 25 kataong nasa wheelchairs at 40 nakatayo) ay makakapanood ng burlesque performance, maaaring magsuot ng maskara, o dumalo sa ‘workshop on toys,” ayon sa ulat ng Toronto Star. Maaari rin silang magtalik, ngunit ito ay opsyonal.
Sinabi ni Andrew Morrison-Gurza, may cerebral palsy, at tumulong sa pag-organisa sa party, ito ay tungkol sa pagkakaloob ng kamalayan sa mundo na kaunti lamang ang bars na wheelchair-accessible at marami ang naniniwalang ang mga taong may kapansanan ay walang libido, o maaaring mapinsala habang nakikipagtalik. “I think that there’s a lot of fear around sex and disability, and the fear can take away from the fun,” aniya.