Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nay Cristy, sumama ang loob kay Richard Merk; pagkuwestiyon sa benefit show, ikinagalit

HARDTALK – Pilar Mateo . 

061115 Cristy Fermin Richard Merk

THE doubt! Hindi naitago ni ‘Nay Cristy Fermin ang malaking sama ng loob niya sa jazz singer na si Richard Merk dahil sa umano’y pagkuwestiyon nito sa isinagawa niya at ng mga kasama para sa benefit show para sa music icon na si Rico J. puno.

Noong una pa man, isiniwalat na ni ‘Nay Cristy sa kanyang radio program with Richard Pinlac pati na sa kanyang mga pitak sa dyaryo na ang anak ni Rico na si Tosca ang lumapit sa kanya para nga sa benefit show na makatutulong para madagdagan ang perang pambayad nila sa mga ginastos sa triple heart bypass ng ama.

Successful ang nasabing show na talagang pinaghandaan sa rami rin ng mga kaibigan sa industriya na naanyayahan para magtanghal. Na ang iba pa nga eh, hindi tumanggap ng talent fee para makadagdag pa rin sa tulong sa kita ng show. Kaya from her own pocket naman, dahil nahihiya si ‘Nay Cristy na kahit honorarium eh, hindi tumanggap ang ibang artists, mga paintings mula sa kanyang gallery ang iniregalo niya sa ilang nag-perform.

Kaya, hindi inasahan ni ‘Nay Cristy na makatanggap pa ng mgatext messages sa kaibigan ni Rico na si Merk na nauna ng nagkaroon ng benefit show for Rico sa Hard Rock Cafe. Kaya halos sumabog si ‘Nay Cristy eh, dahil sa tono ng mga salita ni Merk sa kanyang mensahe na kinukuwestiyon ang mga kaganapan sa nasabing show, lalo na pagdating sa kita nito. Na dapat daw eh nakipag-usap ito kay Rico. Na parang hindi alam ni Merk na dati pang may hidwaan sina ‘Nay Cristy at Rico pero dahil nga dumulog ang anak nitong si Tosca at nakiusap kay ‘Nay Cristy eh, nangibabaw pa rin ang pagiging kasama niya sa industriya para sa nangailangan.

Kung hindi nga lang siguro bawal ang makapagsabi ng masasakit na salita sa mikropono, baka nadurog na ng todo si Merk sa mga masasabi ni ‘Nay Cristy pati na ng mga follower nito sa kanyang radio program about Merk.

Bakit nga ba kailangang maging dudero ni Merk sa tulong naman parabsa kaibigan niya? At saka hindi ba niya ma-gets na anak na ni Rico ang lumapit kay ‘Nay Cristy? May sarili siyang benefit show for Rico, bakit ‘di na lang ‘yun ang pakialaman niya?

Naku, ‘wag ka masyadong pakialamero Merk. Ang kasama sa naturang show eh, kaibigan mo sa pinagbababaran mong Primos owner na si Rannie Raymundo. Eh, ‘di parang kinuwestiyon mo na rin ang mismong kaibigan mo!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …