GLORIA para sa athletics team ng Filipinas ang ika-anim na araw ng kompetisyon sa 28th Southeast Asian Games (SEAG), salamat sa three-gold haul na nabigyang-pansin sa pinaniniwalaang kauna-unahang sprint double win ng bansa sa biennial multi-sport event.
Dangan nga lang ay nadungisan ito ng kaunting kontrobersiya.
Hindi malaman kung sino ang dapat sisihin dahil kung tatanawin nang ma-lapitan ang isinuot na uniporme ng ipinagbubunying sprint double winners na dalawang Fil-Am na sina sprinter Kayla Richardson at Eric Cray, makikitang baligtad ang bandila ng Filipinas na nakaburda sa kanilang dibdib—sa punto pa ng kanilang pinakamalaki at dakilang pagkakataon ng kanilang mga career.
Naispatan ng matatalas na reader ng Spin.ph ang oversight sa sandaling nakita ang mga larawan ng dalawang atleta habang nagdiriwang sa kanilang tagumpay—ang first-ever na naitala ng isang Pinoy male runner sa SEA Games at gayon din ng isang Pinay simula pa nang lumahok at magreyna bilang sprint queen si Elma Muros noong 1995.
Tiyak na makasisira ito sa pagbubunyi ng mga opisyal ng Philippine delegation, na tiyak na kaila-ngang magpaliwanag sa mala-king pagkakamali.
Hindi nga ba itinuro sa atin sa eskuwelahan noong nag-aaral pa tayo na ang tanging panahon na binabaligtad ang ating bandila ay kapag ang ating bansa ay nasa panahon ng digmaan?
ni Tracy Cabrera