NAGDESISYON kahapon ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) na baguhin ang age limit mula 24 sa 25 taong gulang simula sa susunod na taon para makapasok ang mga bagong freshmen na maapektuhan ng K-12 education system na inilunsad kamakailan ng Department of Education.
Sa ilalim ng programa, magiging anim na taon ang high school mula sa apat na taon kaya magkakaroon ng problema sa eligibility ang mga first year athletes, bukod sa hindi pagkuha ng mga bagong recruit mula sa mga high school.
“The K-12 system will limit playing years of incoming athletes straight from high school so hopefully, this new age limit rule will adress the issue,” wika ng pangulo ng NCAA Management Committee na si Melchor Divina ng punong abalang Mapua Institute of Technology.
(James Ty III)