Saturday , December 28 2024

‘Robot Domination’ —babala ng British physicist

 

PARATING na ang panahon na ang maghahari sa mundo ay hindi na tao kundi mga robot na mayroong artificial intelligence (AI)—at maaaring ito na ang hudyat sa pagwawakas ng sibilisasyon ng tao, babala kamakailan ng British physicist na si Stephen Hawking.

Sa Zeitgest conference sa London, tinukoy ni Hawking na ang latest na pagsusulong sa larangan ng artificial intelligence at computer technology ay “mauungusan ang tao susunod na 100 taon.”

Sa kasalukuyan ay dini-develop ng Facebook, Google at iba pa ang mga bagong sistema na magpapalawak sa AI. Sa Silicon Valley lamang ay may mahigit 50 kompanya ang nagde-develop ng modernong teknolohiya na maaaring matagpuan sa electronics tulad ng virtual assistant na Siri at mga behikulong umaandar nang mag-isa.

Nababahala ngayon si Hawking at iba pang mga siyentista na ang development ng AI ay maaaring magkaroon ng mabi-gat na resulta para sa kinabukasan ng sangkatauhan.

Isang buwan makalipas, nanawagan ang isang ulat mula sa Harvard law School at ang organisasyong Human Rights Watch para sa pandaigdigang kasunduang magbabawal sa pag-develop, produksyon o paggamit ng tinaguriang fully autonomous weapons.

Noong Disyembre 2014, sinabi ni Hawking na malaki ang posibilidad na magresulta ang full development ng AI sa paglalaho ng lahi ng tao.

Bilang patunay nito, ang pag-develop ng ‘world’s angriest robot’ ng kompanyang Touchpoint—ang sistemang idinisenyo para sa mga banko upang malaman kung bakit nagagalit o nadedesmaya ang mga kostumer. Binansagang Radiant, ito ay nagpapaalala sa Prime Radiant, ang fictional cube mula sa seryeng Foundation ni Isaac Asimov, na kayang i-predict ang human behavior.

Kaya nagbabala si Hawking na maaaring ang maging resulta ng mabilis na pag-develop ng AI sa paghahari n ito na hindi na kayang i-control o pangasiwaan ng tao.

“Maaaring maganap ang ‘robotic apo-calypse’ isang araw. Tulad nang nakita na-ting naganap sa seryeng Terminator,” wika ng British physicist.

Naniniwala siya na maaaring mangyari ito sa susunod na 10 dekada kapag hindi nagsagawa ng mga hakbang para mapa-ngasiwaan ang tekonolohiya ng mga tao.

Kinalap ni Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *