Wednesday , November 20 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Pulis may dalang krus

060915 police cross

00 PanaginipTo Señor H,

Sana ma ntrprt nio pngnp q, nngnip ksi aq n pulis na may hawak siya krus, akala ko nung unang kita q pari, pro pulis pala, bkit pu b gnun? Wait q po ito don’t post my cell no.

– Joanna fr. Pmpanga

To Joanna,

Ang pulis sa iyong bungang-tulog ay may kaugnayan sa structure, rules, power, authority and control. Ang ganitong panaginip ay nagre-represent din o nagsasabi ng hinggil sa iyong sariling sense of morality and conscience. Maaaring magsilbi itong patnubay sa iyo upang sundin ang daang matuwid o gawin ang mga bagay na karapat-dapat, sang-ayon sa iyong prinsipyong sinusunod at pinaniniwalaan base sa dikta ng iyong konsiyensiya. Maaaring may kaugnayan din sa iyong moral standards ang tema ng panaginip mo.

Ang krus na nakita sa iyong panaginip ay maaaring may kaugnayan sa suffering, martyrdom, death, and/or sacrifice. Ito ay simbolo rin ng iyong religious faith. Maaaring ito ay nagpapahayag sa iyo na mayroon kang pasang krus na dapat pagtuunan ng pansin o kaya naman, ikaw ay umaastang “crossed” at annoyed. Dapat mong tiyakin at tanungin sa iyong sarili kung ano ang sanhi upang ikaw ay mahirapan at makaranas ng ilang mabigat na pagsubok. Ang panaginip mo ay nagpapakita rin ng pagnanasang makatagpo ng perfect happiness. Maaaring ito ay isang paraan din upang makatakas sa ilang mga suliranin o hirap na nararanasan sa buhay. Ang ganitong panaginip ay maituturing din na isang medium na nagsisilbing daan upang manumbalik ang iyong faith, optimism, at hope.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *