MALAKI ang kompiyansa ni Amir Khan na malapit na niyang makaharap ang wala pang talong pound-forpound king ng daigdig na si Floyd Mayweather Jr. Kakapanalo lang ni Khan ng unanimous decision victory kontra kay dating champion Chris Algieri.
Nahirapan si Khan dahil napuntusan muna siya ni Algieri sa unang mga round ngunit nagawa rin makabawi at manaig sa huling bahagi ng sagupaan. Pagkatapos manalo, walang alinlangang nawagan agad si Khan para hamunin si Mayweather, at sa panayam ng Boxing Scene, sinabi nitong ‘umuusad’ na ang negosasyon para sa kanilang paghaharap.
“Sa tingin ko, ito na ang tamang panahon para makalaban ko si Mayweather,” aniya. “Ang mga indikasyon ay nagsasabing mas may oportunidad ako ngayon dahil sa pagkakapanalo ko kay Algieri.”
“Naniniwala akong may tsansa na makompirma ang aming laban sa susu-nod na dalawang linggo,” sabi ng Bri-tish champ.
Sa kabila nito, may pagdududa naman ang dating trainer ni Khan na si Freddie Roach na papayag nga si Mayweather na silay magkaharap.
“Gusto ba ni Mayweather na makalaban siya dahil kayang-kaya niya si Khan?” tanong ni Roach. “Mabilis din ang mga kamay ni Khan.”
“Bumabato siya ng mga kombinasyon. Mahusay si-yang atleta, kahit minsa’y nagpipigil, at medyo bo-ring,” dagdag nito.
Sa huli, sinabi ni Roach na malabong mangyari ang Mayweather-Khan showdown at ang dahilan ay dahil sa walang demand para maganap ito—‘di tulad ng Mayweather-Pacquiao title bout na umani ng pinakamalaking turn-out ng mga manonood at bumasag sa mga dating revenue record sa takilya at pay-per-view ng alin mang boxing match.
Plano ni Mayweather na lumaban sa huling pagkaka-taon sa Setyembre ng taong kasalukuyan bago magretiro nang tuluyan. Sariwa pa sa Amerikanong boksingero ang panalo niya via unanimous decision sa mas popular at iniidolong Pinoy boxing icon na si Manny Pacquiao.
Nagawa ni Mayweather Jr., na talunin ang binansagang Pambansang Kamao ng Pilipinas sa sinasabing ‘Battle for Greatness’ at ‘mega-fight of the century’ sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas noong Mayo 2 (Mayo 3 Ph time).
Si Roach ay naging trainer ni Khan mula 2008 hanggang 2012, nang naki-paghiwalay ang British boxer sa Hall of Fame trainer at ipinalit sa kanya si Virgil Hunter.
ni Tracy Cabrera