WOODSTOCK, Ill. (AP) — Natupad ng suburban Chicago man ang pangarap na maramdaman kung ano ang pakiramdam nang pagbangga sa garage door.
Nagawa ng 91-anyos na si Walter Thomas ng Woodstock na maibangga ang SUV sa garage door sa tulong ng kanyang pamilya.
Ang garage ay itinakdang wasakin, kaya itinodo ni Thomas ang kanyang aksyon. Habang ang SUV ay donasyon lamang.
Inilarawan ni Thomas ang kanyang ginawa sa ganitong paraan:
“I hit the gas, squealed the tires and bang — we went through the door.”
Ayon kay Thomas, hindi niya maisip kung ano ang hihigit pa sa kanyang ginawa.