Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Lobo ng ka-LQ na BF inilipad

 

060515 lobo balloons heart

00 PanaginipHello po Señor,

Nanaginip ako about sa balloons na ibinigy daw ng boyfriend ko, parang peace offering daw niya ito sa akin dahil may LQ kami, lumipd daw ang mga lobo pro nkuha dn yung iba, ano kaya po ipnhhiwtig nito? Salamuch po sir, hope to read it sa Hataw very soon, I’m Hilda, wag mo nalng po ipublish ‘yung name ko…

To Hilda,

Kapag nanaginip ng hinggil sa lobo, ito ay nagpapakita ng bumababang pag-asa sa paghahanap mo ng pagmamahal. Maaari rin na may sitwasyon sa iyong buhay na maghuhudyat ng pababang kalagayan o pababang patutunguhan nito. Ang mga lobo ay nagre-represent din ng pagiging arrogance at ng inflated na opinion mula sa iyong sarili. Kung makakita ng itim na lobo, ito ay sagisag naman ng depression, lalo na kung ang mga lobo ay pababa na. Maaari rin namang ang kahulugan nito ay ang frustrating conditions sa iyong buhay, kabaligtaran ng paghahangad mong pag-asenso. Posibleng may pahapyaw na kagustuhan din ito ng ukol sa pagtakas. Sa positibong bagay naman, ang mga lobo ay simbolo ng celebration at festivities. Kailangan mong kilalanin ang inner child sa iyong pagkatao. Kung talagang may lover’s quarrel kayo sa reyalidad, maaaring ito ang inaasam mong gawin ng bf mo, kaya pumasok ito sa iyong subconscious at lumabas sa iyong panaginip.

Ang pagkakita mo naman sa kasintahan mo sa iyong bungang tulog ay may kaugnayan sa relasyon mo sa kanya sa estadong ikaw ay gising at kung ano ang nadarama mo para sa kanya. Maaaring ang tampuhan ninyo ay nagre-represent ng lumipad o nawalang pagsusuyuan, subalit dahil nakuha rin ang ibang lobong lumipad, posibleng nagpapakita ito ng pagtatapos ng inyong tampuhan at pagsalba sa inyong relasyon. Good luck sa inyo and God bless.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …