TUWINA, may bagong inihahandog ang TV5. Sila ang estasyong sumasalungat sa nakasanayan nang pinanonood natin. Sa unang pagkakataon, masasaksihan ng mga Pinoy ang isang game and musical variety show sa isang high-tech na truck na nagta-transform sa isang malaki at totoong stage!
Simula June 14 (Linggo), hindi na kailangan pang hanapin ang ligaya dahil TV5 na mismo ang maghahatid nito sa inyo sa pamamagitan ng bago nilang programang Happy Truck Ng Bayan!
Ang Happy Truck ng Bayan! Ang sinasabing pinakamalaking proyekto ng TV5 ngayong 2015 dahil magsasama-sama ang mga pinakasikat, pinakainiidolo, at pinakaminamahal na Kapatid stars sa isang Sunday noontime program na literal na maghahatid ng saya at ligaya sa mga filipino sa mga barangay.
Dito kasi sa Happy Truck Ng Bayan, magre-reunion ang dalawa sa pinakasikat at respetadong singer-songwriters sa bansa. Muli na namang papasayahin ng TV5’s very own Ogie Alcasid at ng pinakabagong Kapatid na si Janno Gibbs, ang ating Sunday afternoon sa dala nilang world-class musical talent at mga nakakikiliting punchline.
Kasama rin ang TV5 prime actor at ‘Extreme’ King na si Derek Ramsay at ang Kapatid princess na si Jasmine Curtis Smith. Nariyan din ang paborito ang mga mommy at mga wifey na sina Gelli de Belen at Mariel Rodriguez-Padilla para magdala ng iba’t ibang sorpresa sa buong family. Sagot naman nina Tuesday Vargas, Empoy at Kim Idol ang katatawanan at mga kalokohan.
Enjoy din ang mga bagets at teenagers sa weekly dose of kilig hatid ng Kilig Barkada nina Mark Neumann, Shaira Mae at Akihiro Blanco ng Baker King; at nina Vin Abrenica, Sophie Albert at Chanel Morales ng Wattpad Presents.
Tatawaging Happypeeps ang powerhouse cast na ito na mamimigay ng sama-samang ligaya at linggo-linggong fiesta sa 10 barangay ng mga pinaka-populated na mga lugar sa bansa. Limpak-limpak na papremyo ang ipamimigay sa mga game segment ng programa: Barangay’s Most Wanted; Bida Ng Dance Floor!; OCW: Oooh.. Construction Worker!; Barangay Bayani; Ta-Wattpad; Ready, Set, Goma!; Sing-Ko!; at Kwarta o Kwar-truck!
Pero ang bida ng programa ay ang high-tech, remote-controlled hydraulic automated system truck na nagta-transform sa isang stage na may taas na 12 feet, lawak na 17.58 feet at habang 34 feet. Kaya fiesta ang hatid ng “happiness-on-wheels” sa lahat ng barangay na bibisitahin nito.
Ang Happy Truck ng Bayan ay brainchild ni TV5 Chief Entertainment Content Officer Ms. Wilma V. Galvante at ididirehe ito ni GB Sampedro.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio