Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magkasintahan nagtalik sa beach hinatulan ng 15-taon pagkabilanggo

 

050815 court guilty

NAPATUNAYANG guilty ng isang jury court ang magkasintahang nagtalik sa Bradenton Beach sa Florida makaraan lamang ang 15 minuto deliberasyon.

May kaukulang 15-taon pagkabilanggo ang parusa sa ganitong uri ng pagkakasala.

Kinasuhan sina Jose Caballero, 40, at Elissa Alvarez, 20, ng 2 counts bawat isa sa salang lewd and lascivious behavior nang mag-sex sila sa isang public beach noong Hulyo 20, 2014.

Ipinakita sa video na ipinalabas sa courtroom sa isa’t kalahating araw na paglilitis si Alvarez na nakapatong sa ibabaw ni Caballero sa seksu-wal na paraan. Tumestigo ang ilang saksi na nakita ang pangyayari ng isang 3-taon-gulang na batang babae.

Kakailanganin ngayon nina Caballero at Alvarez na magrehistro bilang mga sex offender.

Hindi pa inihayag ang araw ng paghatol ngunit nagpahayag si Assistant State Attorney Anthony Dafonseca na papa-tawan nila ang dalawa ng mas mabigat na sentensiya dahil walang record si Alvarez at si Caballero na nakulong nang halos walong taon sa salang cocaine trafficking.

Dahil nakalaya si Caballero nang wala pang tatlong taon bago nagsagawa na naman ng nahaharap siya sa maximum na 15-taon pagkabilanggo.

“Binigyan namin sila ng reasonable offer ngunit nag-desisyon silang hindi tanggapin ito,” punto ni Dafonseca. “Sa kabila na may video at mga testigo na nagpapatunay sa ginawa nilang pagkakasala.”

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …