Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pakulo ng mga hinete tagumpay

00 dead heatNAGING matagumpay ang 2015 Philracom “3rd Leg Imported/Local Challenge Race”, “12th NPJA, Inc. Jockeys” Day at ang 1st Jockeys’ Foot Race Event.

Tinalo ni MESSI na nirendahan ni jockey J.A. Guce ang outstanding favorite na CRUCIS na sakay si J.T. Zarate sa Philracom 3rd Leg Imported/Local Challenge Race.

Maraming mananaya ang natuwa nang mapanood nila ang unang pakulo ng mga hinete sa 1st Jockeys’ Foot Race Event na ginawa sa karerahan ng Metro Turf Club, Malvar-Tanauan City.

Dalawampung hinete ang lumahok sa foot race event at dalawang startng gate ang ginamit dito para sa mga hinete na tatakbo.

Kanya-kanya gimik o patawa ang ginagawa ng mga hinete nang tawagin ang kanilang pangalan papunta sa starting gate.

Parang mga kabayo na may “Took a Spill” din nangyari nang bumukas ang starting gate at bago sumapit sa finish line ay may nadapang hinete na tumatakbo. May “Photo Finish” ring nangyari sa pagitan nina jockey L.F. De Jesus at jockey Dan Camanero.

Si Jockey J.D.Flores ang nanalo dito at pangalawa si L.F. De Jesus at pangatlo si Jockey Dan L. Camanero.

Tumanggap ng magagandang premyo ang mga nanalong hinete.

CONGRATS SA MGA MAGIGITING NA HINETE!

oOo

Bakit daw natalo si Hagdag Bato noong sabado sa kalaban nito na si Pugad Lawin. Tesero itong dumating sa likuran ni Low Profile matapos silang maglutsahan sa unahan.

Medyo mataba raw ngayon si Hagdang Bato dahil sa mahabang bakasyon kaya hindi lumabas ang tunay na galing nito sa pagtakbo.

Muling magsasagupa sina Hagdang Bato at Pugad Lawin sa PCSO Silver Cup sa Hunyo 21, 2915 sa karerahan ng Metro Turf, Malvar-Tanauan City.

ABANGAN PO NATIN ANG LABAN NA ITO!

oOo

Nagtataka ang Bayang Karerista kung bakit daw MABABAW ang pinapataw na parusang SUSPENSYON sa mga hinete na nahuhuling NAGBIBIYAHE o NAGPEPERDER ng kanilang sa sakay sa mga aktuwal na karera.

Bakit hindi raw bigya ng parusang mabigat ang mga ito upang MADALA at hindi na muling gawin ang mga katarantaduhan sa ibabaw ng kabayo.

Halimbawa, sa nakita o nahuling isang hinete sa “Replay” na video at napatunayam na wala itong interest na manalo, dapat ay mabigat na parusa ang ipataw dito. ISANG TAONG suspensyon o maaaring tanggalan ng lisensiya.

HINDI PO TANSAN ANG TINATAYA DITO KUNDI PERA!

oOo

Binabati po natin ang aking kaibigan na horse owner na si Ginoong Joselito “Lito” Guevara na may-ari kay Jupiter Thunder na nanalo ng dehado noong Hunyo 2, 2015 sa karerahan ng Santa Ana Park, Naic, Cavite.

MABUHAY KA LITO!

DEAD HEAT – ni Freddie M.

Mañalac

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …