Monday , December 23 2024

Chezka Centeno: 15 pa lang, pang-kampeon na!

 

060415 Chezka Centeno

MAHIYAIN ngunit matatag, ito si Chezka Centeno, isa sa pambato ng Filipinas sa ika-28 edisyon ng Southeast Asian Games na ginaganap ngayon sa Singapore—siya ang ehemplo ng bagong henerasyon ng mga Pinoy athlete na si-yang hahalili sa ating mga beteranong manlalaro.

Sa unang araw pa lang ay nagpakita na ng gilas ang 15-taon-gulang sa billiards babe ng Zamboanga City, kasama ang practical shooter na si Lamberto Espiritu at shotgun specialist Gabriel Tong na pawang mga most senior citizen ng bansa na lumahok sa SEA Games.

Huwag malinlang sa mga edad nila. Kaya nina Espiritu at Tong, parehong 63-anyos, bumunot ng ba-ril sa loob lamang ng isang Segundo at tamaan ang target nang walang mintis.

Sa kabilang dako, umagaw ng pansin si Centeno nang pabagsakin niya si dating world champion Rubilen Amit sa women’s 10-ball event sa Philippine National games nitong nakaraang taon.

Kinuha ng 15-anyos ang spot ni Irish Rañola sa 12-miyembrong snooker at billiards team ng Filipinas. Tinalo ni Centeno si Rañola, 7-1, sa SEA Games qualifying para samahan si Amit bilang kinatawan ng bansa sa nine-ball event sa OCBC Arena Hall.

“Ito ang unang pagkaka-taon na lumabas ako ng bansa at talagang ramdam ko ang pressure,” wika ng dalagita. “Sana magawa namin ang nararapat ni Rubilen para sa karangalan ng Filipinas.”

Ang iba pang first-timer SEA Games na kasing edad ni Centeno ay sina Jeffry Roda sa snooker at Rachelle Arellano sa gymnastics.

“Sila ang future nating national team kaya binibig-yan namin sila ng tsansa na patunayan ang kanilang sarili,” ayon kay Philippine chef de mission Julian Camacho.

Nagpadala ang Filipinas ng 462 atleta sa 35 disiplina para tangkaing mapanumbalik ang lakas at tatag ng Pinoy sa lara-ngan ng sports sa mundo.

ni Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *