NAKATAKAS ang isang Michigan pig mula sa may-ari nitong Mayo 28 at ginulo ang komunidad. Ayon sa ulat ng CBS Detroit, sa isang punto, hinabol ng hayop ang isang babae at huminto lamang nang makita ang isang decorative ball.
Agad nagresponde ang mga tauhan ng Shelby Township Police Department at hinuli ang pasaway na baboy. Ngunit nabatid ng mga pulis na hindi ito magandang ideya.
“Well, lets say the pig either out of excitement or otherwise felt the need to use the back seat of our patrol car as a bathroom,” pahayag ni Deputy Chief Mark Coil.
Ang larawan ng nakangiting baboy ay na-share nang mahigit 1,000 beses sa Facebook ng police department. Kasunod nito ang larawan ng mga kalat ng nasabing baboy.
“Now we know why that pig is smiling in the first pic!” ayon sa nakasaad sa caption.
Kalaunan ay ibinalik ang baboy sa may-ari. (THE HUFFINGTON POST)