DINOMINA na naman ni defending champion Dashi Watanabe ng Aprilia Grandstar ang kickoff leg ng 2014 Pirelli Superbikes Championship Series para isulong ang kanyang title-retention bid sa Batangas Racing Circuit sa bayan ng Batangas.
Nagsimula sa quick start ang Aprilia top gun para idikta ang tempo ng karera, saka pinalaki pa ang kanyang ungos sa sunod-sunod na lap tungo sa pagtala ng 19-na-minuto at 7.632-segundong oras sa 12 lap para talunin si Ducati franchise rider Raniel Resuello, sa pamamagitan ng 17.958 segundo.
Pumangatlo ang bagong Aprilia Grandstar recruit at dating Underbone na si King Anthony habang pumang-apat at nasa ika-limang puwesto sina Rizaldy Canare at Toti Alberto sa ra-cing event na sanctioned ng Superbikes Racing Association (SBRA) at ini-sponsoran ng Petronas, at media partners na Racing Beat @ Wave 89.1, Inside Motoring @ DZRJ810khz at Motorsiklo Xklusibo @ DZME 1530.
Matapos itala ang pinakamabilis na 1:37.5 sa time trial para makamit ang pole position, nahirapan sa si-mula si Watanabe maka-raang tumakbo nang walang rear brakes na nakabawas sa kanyang laptime ng isang Segundo kasu-nod ang 1:38.1 clocking sa aktuwal na karera.
Ngunit lumaban pa rin si Watanabe hanggang mangunang muli sa tulong ng hiyawan ng mga nanonood para makakuha ng inspirasyong magwagi.
“Nagulat kami sa atmosphere dahil para bang nasa FIM Superbike World Championships. Masaya kami na ang aming inis-yal na paglahok ay nagbunsod ng intense action sa mga rider na nagsipagtala ng mas magagandang record ngayon,” pahayag ni Philip Ang, presidente ng Pirelli local distribu-ting company Performance Parts Corp.
Ni Tracy Cabrera