NANINIRAHAN siya sa New York City, habang ang kanyang ina nama’y nasa Tsina. Kaya nagdesisyon si Jacintha Phua ng Singapore na gumawa ng kakaibang birthday card para ibigay bilang pagbati sa kaarawan ng kanyang ina.
Naglakad si Phua 30,905 na hakbang sa loob ng dalawa at kalahating oras para ihugis ang mga katagang “Happy,” “55” at ang mga Chinese character para sa “birthday” sa kahabaan ng mga kalsada sa Manhattan bilang birthday greeting. Pagkatapos ay inilagay niya ito sa social media.
“Gusto kong gumawa ng bagay na thoughtful na walang halagang salapi—ayaw niya (ina ni Phua) kasing gumasta ako para sa kanya,” paliwa-nag ni Phua, 28, sa panayam ng Yahoo Singapore.
Iginuhit niya ang ruta sa isang mapa, saka ginamit ang app na Map My Run para maitakda ang kanyang paglalakad. “Plinano ko ang bawat letra bilang generally dalawang avenue sa taas at dalawang kalsada sa lapad, na may isang kalsada rin sa pagitan,” aniya.
Ang kabuuang ruta ay umaabot sa 20.84 kilometro, dagdag ni Phua, na isang em-pleyado ng malaking investment bank.
At ano naman kaya ang naging reaksiyon ng ina ni Phua?
“Sabi niya ‘it’s nice’ at sa pananaw naman ng kanyang mga kasamahan at kaibigan ay ‘cool’ daw ito,” ani Phua. “Tinanong din niya kung ano na ang nangyari sa mga paa’t binti ko. At para maging tapat sa inyo, nananakit hanggang nga-yon…”
Pero idinagdag din ng dalaga: “Mums deserve the best”
Kinalap Ni Tracy Cabrera