Wednesday , November 20 2024

Feng Shui: Tao nagiging masaya kapag may natapos na gawain

 

00 fengshuiANG mga tao ay mas masaya kapag may natatapos silang gawain kada araw. Totoo rin ito sa Feng Shui. Kapag may hindi tayo natapos na gawain, tayo ay naiinis na nakadaragdag sa ating stress nang hindi nababatid na nakasasagabal ito sa pagtupad sa ating mga naisin.

Ang isa sa mga pagbabago na makikita sa tao kapag may natapos silang gawain ay ang paggising sa umaga. Kapag natapos mo ang gawain para sa araw na iyon, makatutulog ka nang mahimbing kaya naman masigla ka sa paggising sa umaga. Paano tatapusin ang mga hindi natapos na gawain?

Maaaring subukan ang mga ideyang ito.

*Pagod ka na ba matagal na paghahanap ng iyong susi, pocketbook o sapatos? Magsabit ng key hook, o maglagay ng station sa iyong foyer na kung saan mo maaaring ilagay nang maayos ang iyong sapatos, handbag, backpacks ng mga bata at iba pang iyong kailangan sa umaga. Tiyakin lamang na hindi ito makahaharang sa pinto sa full 90 degrees.

*Palitan ang napunding light bulbs. Hindi ka lamang magdaragdag ng positive energy sa iyong bahay, maaari mo ring maalis ang isa sa naka-aabala sa iyong buhay, ang pag-iisip ng isang gawaing palagi planong gawin ngunit madalas na maipagpaliban.

*Palitan ang ugaling iyong kinaiinisan. Palagi ka bang huli ng limang minuto o higit pa sa appointments? Naiinis ka ba sa trapik? Palagi mo bang ipinagpapaliban ang ilang mga gawain? Piliin ang isang ugali na sa iyong palagay ay nakapipigil sa iyo, at magtuon sa pagbabago nito. Aabot ng hanggang 30 araw ang pagbabago sa dating ugali kaya maging matiyaga.

*Tapusin ang proyekto sa bahay na palagi mong ipinagpapaliban. Nasimulan mo bang pintahan ang bahay ngunit hindi mo natapos? Panahon na para tapusin ito, upang magsimula mo na ring ma-enjoy ang positibong epekto ng pagbabago at umusad para sa susunod na improvement.

*Ilagay ang mga larawan sa albums, photo boxes o frames. Kung nag-print ka ng digital images o may mga larawan na kuha sa ilang mga okasyon, ngunit nakalagay lamang ito sa piles, panahon na para ayusin ang mga ito at ilagay dapat kalagyan.

Kapag natapos ang ilang mga gawaing matagal nang naantala ngunit natapos mo, tiyak na mababawasan ang iyong stress at magkakaroon ka ng positibong enerhiya.

ni Lady Choi

About hataw tabloid

Check Also

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *