Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meralco vs TnT

 

 

020415 PBA

Mga Laro Ngayon (MOA Arena)
4:15 pm – Alaska Milk vs. NLEX
7 pm – Meralco vs. Talk N Text

Mga Laro Bukas (MOA Arena)
4:15 pm – Blackwater vs. Rain Or Shine
7 pm – Barangay Ginebra vs. Globalport

TARGET ng Alaska Milk na makisosyo sa NLEX sa unang puwesto ng PBA Governors Cup.

Ito’y magagawa ng Aces kung malulustan nila ang NLEX mamayang 4:15 pm sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa ikalawang laro sa ganap na 7 pm ay maghaharap naman ang Talk N Text at Meralco.

Ang Aces ay may 4-1 karta matapos na magwagi kontra Star Hosthots, 92-86. Kung magwawagi sila mamaya ay makakatabla nila ang NLEX (5-1).

Ang Aces ay binubuhat ni Romeo Travis na tinutulungan nina Calvin Abueva, Cyrus Baguio, Sonny Thoss, JV Casio at Dondon Hontiveros.

Ang NLEX, na may 1-4 record ay pinamumunuan ng slam dunk champion na si Kwame Alexander at Asian reinforcemet Michael Madsanly. Sinusuportahan sila nina Paul Asi Taulava, Enrico Villanueva, Mark Cardona at Nino Canaleta.

Ang Talk N Text ay nasilat ng Globalport, 123-120 noong Biyernes at bumagsak sa 3-2. Sa gabi ring iyon ay dinurog ng Meralco ang Blackwater, 87-72 para sa 3-3 karta.

Ang Tropang Texters ay pinangungunahan nina Steffphon Pettigrew at Jordanian Sam Daghles.

Nakakatuwang nila sina Jayson Castro, Ranidel de Ocampo, Kelly Williams, Jay Washington at Larry Fonacier.

Ang Bolts ay pinamumunuan nina Andre Emmet at Asian reinforcement Seiya Ando. Tinutulungan sila nina Gary David, Cliff Hodge, Reynell Hugnatan, and Mike Cortez.

Magpapatuloy ang aksyon sa Mall of Asia Arena bukas kung saan magtatagpo ang Rain Or Shine at Blackwater sa ganap na 4:15 pm at magsasapukan ang Barangay Ginebra at Globalport sa ganap na 7 pm.

Magpaparada ng bagong Asian reinforcement ang Gin Kings sa katauhan ng Koreanong si Jiwan Kim na humalili kay Sanchir Tungalag.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …