Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ginebra kukuha ng Koreanong import

 

013015 brgy ginebra

NAGDESISYON na ang Barangay Ginebra San Miguel na sibakin na ang Asyanong import na si Sanchir Tungala ng Mongolia.

Dumating na sa bansa kahapon ang magiging kapalit niyang si Ji Wan Kim na isang Koreano.

Isang source ang nagsabing inalis ni coach Frankie Lim si Sanchir dahil hindi siya marunong magsalita ng Ingles at kahit may interpreter ang huli ay hindi talaga siya nakasundo ni Lim.

Nag-average lang si Sanchir ng 4.5 puntos sa apat na laro niya sa Ginebra na may dalawang panalo at apat na talo sa PBA Governors’ Cup.

Kagagaling lang si Kim sa kanyang paglalaro sa isang liga sa Korea.

Samantala, nagpapagaling ang isa pang import ng Ginebra na si Orlando Johnson sa isang ospital sa Taguig pagkatapos na mahilo siya sa laro ng Kings kontra San Miguel Beer noong Linggo.

Nahulog sa sahig si Johnson at tinamaan ang kanyang ulo nang bumagsak siya pagkatapos na sinupalpal siya ni AZ Reid sa unang quarter ng laro kung saan nanalo ang Beermen, 100-85.

Sinabi ng isang doktor na okey na ang kondisyon ni Johnson at lalaro na siya sa susunod na asignatura ng Ginebra kontra Globalport bukas.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …