LANCASTER, Pa. (AP) — Masyadong malaki ang mga bombero para masagip ang isang kuting na nahulog sa storm drain sa south-central Pennsylvania, ngunit kasya rito ang 6-anyos batang babae.
Nabatid na nagresponde ang Lancaster Township firefighters makaraan makita ng batang si Janeysha Cruz at ng kanyang mga kaibigan ang na-trap na kuting.
Agad tumawag ang ina ng bata sa 911 at binigyan ng permiso ang mga bombero na ibaba si Janeysha sa tatlong talampakang lalim ng imburnal, na sa liit ay hindi kakasya ang mga bombero. Nagawang tawagin ng bata ang kuting para lumapit sa kanya at naibigay ito sa mga bombero.
Ini-post ng Fire Department ang insidente sa Facebook page nito, kasama ang larawan nina Janeysha, Deputy Fire Chief Glenn Usdin at ang kuting.
(THE HUFFINGTON POST)