NAGKUKUMAHOG ngayon ang kasalukuyang espesyal na administrasyong Aquino sa pagha-hanap ng mga armas para ma-upgrade ang kakayahan ng Armed Forces of the Philippines.
Parang hilong talilong si Defense Secretary Voltaire Gazmin sa pakikipag-usap sa mga Amerikano, Hapones at sa kung sino pang makikinig para makaamot tayo ng mga pinaglumaang ka-gamitang pandigma.
Marami ang nag-aalala na baka maipit tayo kung tuluyang sumiklab ang digmaang Tsino-Amerikano sa West Philippine Sea/South China Sea. Hindi naman kaila sa lahat ang kawalan ng kakayahan ng Armed Forces of the Philippines na ipagtanggol ang ating soberenya laban sa isang dambuhala at industriyalisadong bansa tulad ng Tsina.
Walang nagawa ang espesyal na Pangulong Benigno Simeon Aquino III at ang kanyang ipinagyayabang na pinaglumaang barko ng US Coast Guard (USCG) na ipinaamot sa Philippine Navy nang kamkamin ng Tsina ang mga isla-islahan natin sa West Philippine Sea. Sa ganitong kawalan ng kakayahang lumaban ay napaka-ires-ponsable ng mga ginawa niyang pagyayabang laban sa Tsina mula noong siya ay naupo sa poder at naganap ang Luneta shooting incident.
Matatandaan na nagmatigas at hindi humingi ng paumanhin si BS Aquino (si Mayor Joseph Estrada ang nag-sorry sa mga Intsik) kahit na walong turistang Intsik ang napatay ng isang nagwalang pulis sa Luneta noong unang bahagi ng kanyang termino bilang pangulo. Nasundan pa iyon ng mga mapangahas niyang pahayag at “military muscle flexing” laban sa Tsina.
Mukhang hindi nalimutan iyon ng mga Intsik kaya tayo sinasamantala ngayon.
‘Yung military muscle build-up na iniyayabang ni BS Aquino ay ‘yung mga ililimos pala na barko ng USCG at mga bibilhin na Vietnam war vintage na kagamitang pandigma tulad ng mga sinasabing sira-sirang helicopter na napasakamay na ngayon ng AFP. Bukod pa rito, sa kabila ng banta ng ibang bansa sa ating soberenya, ang sinasabi palang AFP upgrade ay kapapalooban lamang nang pagbili ng mga armas na mas bagay sa counter-insurgency kaysa pakikidigma sa mga banyaga.
Ang nasa shopping list ng ating defense department ay mga helicopter, frigates at mga de-elising eroplano na ginamit sa Vietnam noong dekada 60. Wala sa listahan ang mga makabagong eroplano na jet powered at kargado ng missile, walang naval destroyer, cruiser o submarine; walang tangke at mga self-propelled artillery. Walang radar at iba pang makabagong gamit. Paano tayong lalaban niyan? Aasa kay Uncle Sam o sa mga apo ni Mahomma? Nakahihiya dahil nanghihiram tayo ng kakayahang lu-maban mula sa iba.
Ano kaya ang plano ni BS Aquino at ng kanyang mga alipores kung biglang magkagiyera bukas? May contingency plan na ba kayo o tulad ng nakagawian na sa administrayon mo…bahala na kami?
* * *
Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Magpadala ng mensahe sahttps://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.
USAPING BAYAN – Nelson Flores