KAHIT na ano pa ang gawin ni dating Sen. Panfilo “Ping” Lacson, hindi na maiaalis sa isipan ng publiko na minsan ay naging pugante na rin siya sa mata ng batas.
Sa halip na harapin ang kasong murder kaugnay sa pagpatay kina Bubby Dacer at Emmanuel Corbito, mabilis pa sa daga na pumuga kahit hindi pa man inilalabas ang warrant of arrest laban sa kanya.
Nagsimulang magtago si Ping noong Enero 2010 at lumutang lamang noong Marso 2011 matapos ibasura ng Court of Appeals ang kaso laban sa kanya. Ang hindi pagharap ni Ping sa kanyang kaso ay maituturing na batik sa kanyang political career lalo na sa isang senador na inihalal ng taumbayan.
At ngayong binabalak ni Ping na muling mahalal sa darating na 2016 elections, mukhang malabo itong mangyari. Bukod sa pagiging pugante ni Ping, kailangan ayusin pa rin niya ang kanyang atraso sa mga taga-Visayas na naging bikitma ng bagyong Yolanda.
Si Ping ay idineklarang “persona non-grata” ng People’s Surge dahil sa kanyang mga kapalpakan bilang pinuno ng Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery.
Kilala na ng publiko ang tunay na pagkatao ni Ping. Kahit na ano pa ang gawing propaganda ni Ping, malabong manalo siya sa darating na halalan.