Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Warriors hari sa West

 

052915 golden state warriors

TINAPOS na ng Golden State Warriors ang Houston Rockets upang ayusin ang date nila sa Cleveland Cavaliers sa Finals ng 2014-15 National Basketball Association (NBA).

Pinagpag ng Warriors ang Rockets, 104-90 para ilista ang 4-1 at angkinin ang titulo sa Western Conference matapos ang Game 5 ng kanilang best-of-seven series kahapon.

Naunang sumikwat ng upuan sa Finals ang Cleveland Cavaliers matapos nilang magkampeon sa Eastern Conference.

Winalis ng Cavs ang top seed Atlanta Hawks kamakalawa.

Umalagwa ng 26 puntos, walong rebounds at anim na assists si NBA MVP Stephen Curry para sa Warriors habang may 24 points at 20 puntos ang inambag nina Harrison Barnes at Klay Thompson ayon sa pagkakasunod.

Umibabaw sa opensa ng Rockets si Dwight Howard dahil naglagak din ito ng 16 rebounds at apat na blocks habang may tig 16 na puntos sina Jason Terry at Corey Brewer.

Samantala, sa June 4 ang umpisa ng Game 1 NBA Finals sa pagitan ng Cleveland at Golden State.

ni Arabela Princess Dawa

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …