Saturday , May 4 2024

Doliguez, kung lumaban parang leon (Sa kabila ng pagkatalo)

 

052815 doliguez
Sapol sa sipa si Roy Doliguez sa laban kay Dejdamrong Sor Amnuaysirichok

NAGPAKITA ng tapang na tulad ng leon si Pinoy mixed martial arts (MMA) fighter Roy Doliguez kahit natalo kay ONE strawweight champion Dejdamrong Sor Amnuaysirichok ng Thailand sa kanilang title fight sa kabila ng mga foul shot at matinding bugbugan.

Tinamaan ng low blow, sundot sa mata at head butt si Doliguez pero nagpatuloy na naki-pagbakbakan si Doli-guez sa kalagitnaan ng ika-5 round sa harap ng jampacked Singapore Indoor stadium.

Nanalo si Amnuaysirichok sa desisyon.

Ayon kay Doliguez, nais ipatigil ng doktor ang laban sa pagpapatuloy sa huling round sanhi ng eye poke, ngunit tumanggi ang Pinoy boxer.

“Gustong itigil pero hindi ako pumayag,” aniya sa panayam matapos ang laban.

Ngunit nagkaroon ng aksidenteng head butt sa ika-limang yugto, na nagbunsod sa mga opisyal na magdesisyon sa pamama-gitan ng mga score card.

“Nais sana naming ipag-patuloy ang sagupaan. Pero sinabihan kami ni (ONE Championship official) Matt Hume na umabot na sa limitasyon ang mga accidental time out kaya kailangang desisyonan ng mga judge,” sabi ng cornerman ni Doliguez na si Erwin Tagle.

Nagpabalik-balik ang laban sa pagitan ng Pinoy at Thai, na pilit ginamit ang kanyang husay sa muay thai para tangkaing patulugin si Doligquez. Sa kabila nito, nagawa pa rin dumepensa ng Pinoy hanggang umabot sa huling round.

Sa main event, napanatili ni Shinya ‘Tobikan Judan’ Aoki sa kanyang kamay ang ONE lightweight title sa paggapi kay Koji Ando.

 

Kinalap ni Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

Megan Althea Obrero Paragua Chess Bajram Begaj

Pamangkin GM Mark Callano Paragua
WFM MEGAN ALTHEA, UNANG PINOY NA NAGWAGI SA WORLD CADET RAPID & BLITZ CHAMPIONSHIPS

MANILA — Iniangat ni Woman FIDE Master (WFM) Megan Althea Obrero Paragua ang World Cadet …

1st CNES Chess Tournament

1st CNES Chess tourney sa Mayo 11 na

Manila, Philippines — Muling susubok sa husay ng bawat isa ang cream of the crop …

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *