Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Castro balik-porma sa TNT

021715 jayson castro

PAGKATAPOS na hindi siya naglaro sa unang tatlong asignatura ng Talk n Text sa PBA Governors’ Cup, nakabalik si Jayson Castro at hindi nawawala ang kanyang dating porma.

Naging bida ang Best Player ng PBA Commissioner’s Cup na si Castro sa 108-89 na panalo ng Tropang Texters kontra NLEX noong Martes sa Cuneta Astrodome kung saan nagtala siya ng 19 puntos, limang rebounds at limang assists.

Matatandaan na pinagpahinga muna ni TNT head coach Jong Uichico si Castro pagkatapos ng finals ng Commissioner’s Cup dahil sa sobrang pagod at mga pilay na nangyari sa huli sa serye kalaban ang Rain or Shine.

Naunang nakabalik si Ranidel de Ocampo sa lineup ng TNT mula sa kanyang pilay noong finals ng second conference kaya nararamdaman ni Castro na unti-unting lumalakas ang Tropang Texters lalo na tumutulong din ang mga imports nilang sina Stephon Pettigrew at Sam Daghles.

“Puwede akong maka-off guard at point guard dahil beteranong point guard si Sam,” ani Castro. “Kaya pagdating ng playoffs ay fresh na fresh kami dahil pantay ang minutes ng first at second group. Maganda ang start namin this conference kaya sana ay makabalik ang championship form namin.”

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …