Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Hindi makatakas bilang prisoner

 

00 PanaginipTo Señor H,

Pwede paki-xplain nman ‘yung dream ko kse parang prisoner kami d ko kilala mga kasama ko, d kami makataks khit ano gwin nmin & d ko na maalala ibang dtails e, basta prang kalaban o kaaway ang nag-capture s min, tnx a lot dnt post my cp #, kol me Ricardo, tnk u

To Ricardo,

Ang panaginip mo ay may kaugnayan sa damdamin na pakiwari mo ay na-trap ka o hindi makakilos sa ilang pagkakataon. Maaaring ito’y bunsod ng makalumang pananaw at paniniwala sa buhay kaya hindi makasulong o kaya’y nagsisilbing hadlang ito sa iyong pag-unlad. Posible rin naman na may kaugnayan ito sa damdaming ikaw ay nase-censored sa ilang bahagi ng iyong buhay. Pakiramdam mo na ang iyong creativity ay nagiging limitado at ikaw ay hindi napapahintulutang mai-express o maipahayag ang iyong sarili. Ang panaginip mo ay may kinalaman din sa mga bagay na kinatatakutan mo ang pagdating o ang pangamba mo sa mga bagay na gustong gawin subalit nag-aalala ka sa kawalan nito ng kasiguraduhan pagdating sa magiging resulta nito, kung magtatagumpay ka o mabibigo. Nagpapakita rin ito ng kagustuhang makatakas sa ilang restrictive na situation o attitude. Alternatively, ito ay maaaring bunsod din naman ng iyong pagtangging harapin ang ilang problemang dumarating sa iyo. Iniiwasan mo ang sitwasyon, sa halip na harapin at tuldukan na ito. Ang ukol sa mga kalaban sa iyong bungang-tulog ay maaaring may kaugnayan sa aspeto ng iyong sarili na mayroong conflict, isipin ang mga bumabagabag sa iyong damdamin at isipan. Maaaring ito ay nagsasaad din sa iyo na dapat mong tignan ang ilang bagay o harapin ang iyong suliranin o mga pagsubok sa buhay, sa bagong anggulo o sa ibang pananaw upang ikaw ay makasulong na sa buhay. Ang ganitong panaginip ay maaring isang uri rin ng metaphor na nagsasabing mayroong taong gustong isahan o lamangan ka, kaya dapat na mag-ingat din.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …