ni Gloria Mercader Galuno
KAHIT huling episode nang inabangan at pinag-usapang romantic drama series ng ABS-CBN na Forevermore nitong nakaraang Biyernes (Mayo 22), hindi na nakapagtataka na inabangan ng televiewers ang finale episode at tila itinakdang ‘pambansang araw ng forever.’
Naging epektibo at naging magic sa Forevermore fanatics ang pagsubaybay sa kam-bal na strawberry at sa huli ang pag-asam na mayroong ‘forever’ sa relasyon ng dalawang tao na nakatikim ng nasabing prutas.
Sabi nga, dinaig nina Xander (Enrique Gil) at Agnes (Liza Soberano) ang Romeo & Juliet ni William Shakespeare at Jack & Rose ng Titanic, sa puso ng mga Pinoy.
Ipinagpa-lagay ng maraming sumubaybay sa nasa-bing romantic drama series na sila ay sina Agnes o si Xander at sa tuwina’y kinikilig sa mahika ng pag-ibig na namamayani sa da-lawa kapag napapanood sa telebisyon.
Kaya lalong hindi nakapagtataka kung nakuha ng Forevermore ang pinakamataas na national TV rating na naitala ngayon taon.
Sa datos ng Kantar Media, pumalo ang huling episode ng serye nina Enrique Gil at Liza Soberano ng all time high national TV rating na 39.3%, o mahigit doble kaysa nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na “Let the Love Begin” (16.1%).
Bukod sa pamamayagpag sa TV ratings, wagi rin ang finale episode ng “Forevermore” sa social networking sites tulad ng Twitter na naging bahagi ng nationwide trending topics ang hashtag na #ForevermoreFinale at ang iba pang hashtags na may kaugnayan sa reaksyon ng netizens sa love story nina Xander (Enrique) at Agnes (Liza).
Nasaksihan ng TV viewers sa Road to “Forevermore” finale episode ang pagpa-patunay ng mga karakter nina Enrique at Liza na mayroong “forever” nang yayain ni Xander si Agnes na magpakasal bago pumunta si Agnes sa Japan para mag-aral.
Kung inaakala ng marami na ang viewers ng Forevermore ay mula sa CDE crowd, dahil ito ay kuwento ng masa, marami ang nagkamali.
Katunayan, isa sa sumusubaybay sa istorya nina Xander at Agnes ay isang kilala, mahusay at respetadong pulmonologist sa bansa.
Humanga si Dr. Ricky Salonga sa dalawang main actor (Enrique & Liza) na kahit mga bata pa ay napakanatural mag-deliver ng dialogue kahit gaano pa ito kahaba.
Katunayan, para huwag malampasan, idina-download ni Dr. Salonga ang episode ng Forever sa kanyang iPhone 6 at pinanonood niya ito sa mga oras na hindi siya busy o walang pasyente.
Hindi lang ang dalawang aktor, pinuri din ni Dr. Salonga ang plot ng story at kahusayan sa direksiyon ni Direk Cathy Garcia-Molina.
Pero ang pinaka-trivia rito, ang ‘forever love’ ni Dr. Ricky na si Dra. Aida Salonga ay kamukha ng lead actress na si Liza.
Ayon kay Dr. Ricky, una niyang nakita ang kanyang forever love na si Dra. Aida, noong intern siya sa Philippine General Hospital (PGH).
Noong unang pagkakataon na nakita niya si Dra. Aida (4th year medicine proper noon), naramdaman niya na siya ang babaeng pakakasalan niya kahit hindi pa uso ang kambal na strawberry.
Pero walang balak mag-asawa noon si Dra. Aida, mas gusto niyang pumasok sa kombento para mag-madre.
Kaya lang, mukhang mas magaling ma-ngulit at manligaw si Dr. Ricky kaya sa kanya ikinasal si Dra. Aida hindi kay Kristo.
Diyan nag-umpisa ang kanilang forever love.
Kung si Dr. Ricky ay kilalang mahusay, at respetadong pulmonologist, si Dra. Aida naman ay isang mahusay na neurologist at isa sa mga pangunahing nagsulong ng child neurology sa bansa.
Hindi lang ang pag-ibig sa isa’t isa ang forever kina Drs. Ricky & Aida na bumibilang na sa kanilang ika-38 anibersaryo bilang mag-asawa.
Forever din ang kanilang paglilingkod sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng paglalaan ng oras sa isa sa malaking public general hospital sa bansa.
Sa kabila ng tagumpay sa kanilang pag-ibig, pamilya at propesyon, patuloy silang naghahandog ng oras para sa mga kababa-yan nating nangangailangan ng kanilang pagkalinga bilang mga doktor.
Katunayan, tatlo sa kanilang anak ay kilala na ring doktor sa iba’t ibang larangan ng medisina. Sila ay ipinundar ng pag-ibig sa isa’t isa nina Dr. Ricky at Dra. Aida at pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng kanilang propesyon.
“My wife jokingly told me that our new theme song should be Forevermore. Since we made the decision to love each other, our love never wavered! Love is a decision. When I first saw her, I already told myself she’s the girl I will marry and I stuck with that decision. Through thick and thin, amidst all the trials, we have always ma-naged to overcome because of our love!”
‘Yan ang so sweet na mensahe ni Dr. Ricky hindi lang para kay Dra. Aida, kundi para rin sa lahat na nagdesisyon na maki-pag-isang dibdib sa kani-kanilang forever love.
Ang Forevermore ay direksyon ni Cathy Garcia-Molina, sa ilalim ng produksyon ng Star Creatives. Para sa karagdagang updates kaugnay ng mga programa ng Star Creatives, bisitahin ang official social media accounts nito saTwitter.com/StarCreativesTV at Instagram.com/ StarCreativesTV.
Samantala, maaari rin panoorin ang full episodes o past episodes ng “Forevermore” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sawww.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.